Kabanata 20

71 11 0
                                    

Kabanata 20

"Sachie...." usal ko ng makilala ang babaeng 'yon.

Natigilan siya saglit at saka ngumiti, humiwalay siya kay Vio para makalapit sa harapan ko. Nasa kaniya lang ang atensyon ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit ang bigat sa dibdib ko na makita siya, na malamang bumalik na siya.

"Oh hi? Ikaw siguro si Aubry, Aubrielle right?" tanong niya na tinanguan ko lang, hindi ko pa rin magawang makapag salita dahil tila namamanhid ako sa mga oras na 'to.

"Nakuwento ka sa'kin ni Lulu. Ikaw daw 'yong matalik niyang kaibigan," nakangiting usal niya na medyo natawa pa sa sinabi at saka nilingon si Vio na nakatayo lang doon sa may pinto. "Hindi ba babe?" tanong niya.

"Y-yes babe," napatingin ako kay Vio ng sagutin niya 'yon.

Magkaibigan? Siraulo ka! Matapos mo akong halikan? Hangal!

"U-uh? Bakit ang awkward yata? Tara doon sa loob," usal ni Sachie at nauna na. Bumuntong hininga ako at pekeng ngumiti kay Vio ng magkatinginan kami at saka akmang susunod kay Sachie sa loob ng pigilan niya ako sa may braso.

"I'm sorry, hindi ko na sabi sayo," seryoso niyang sabi. Tumingin ako sa braso niya na nakahawak sa akin at tinanggal 'yon.

"Ano ka ba, okay lang 'yon. Tara na," ani ko at iniwan siyang mag isa doon.

Nadaan ako sa kusina at nakita si Sachie doon na kumaway pa sa'kin tinanguan ko lang siya at bumalik sa sofa.

"Aubry! Tara muna dito, kain tayo," anyaya niya na nginitian ko lang at pasimpleng kinuha ang cellphone ko sa bag upang mag text.

To Audrey : Tawagan mo ako bilis.

Nang ma-isend 'yon ay nilagay ko sa bulsa ko at isinakbit ang bag bago pumunta sa kanila. Natigilan pa ako ng mula sa pinto ay nakita ko kung paano sila maglandian. Pinilig ko na lang ang ulo ko at saka naupo sa may mesa, hindi ko maramdaman ang sarili ko parang namanhid na lang ako bigla. Ang kaninang mabigat sa dibdib ko ay nawala pero parang grabe naman ang ikinamanhid ko.
Napaangat ako ng tingin ng maglapag ng pagkain si Sachie sa mesa.

"Teka lang ha?" usal niya habang nakangiti sa'kin. Ang hirap magalit sa kaniya kung ganito siya sa'kin.

"Babe bilisan mo! Baka nagugutom na si Aubry!" sigaw niya at lumapit kay Vio na nakatalikod at napaiwas na lang ako ng tingin ng yakapin niya ito mula sa likod.

Dahil doon naalala ko na noon kaming dalawa ang ganoon, kapag nagluluto ako at nagugutom na siya, yayakapin niya ako mula sa likod at sasabihin na bilisan ko. Mapait akong nangiti at inilibot ang tingin sa kabuuan ng condo niya. Dati kami lagi ang tao sa lugar na ito ngayon hindi na, may bago na.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng maupo sila sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin sa kanilang dalawa habang magkaharap sila. Nagtagal ang tingin ko kay Vio, ang mga mata na yan na dati ako lang ang nakikita ngayon hindi na. Nangiti ako ng makita ang kislap sa mga mata niya, kislap na kahit kailan hindi tinamo ng mata niya kapag ako ang kaharap.

"Aubry kain ka lang, 'wag kang mahiya," sabi ni Sachie na ikinaiwas ko ng tingin sa kanila.

"Uhhh, sige," akmang kukuhanin ko na ang kutsara ng tumunog ang phone ko, na lihim kong pinagpasalamat. Tumingin ako sa kanila ng mabaling sakin ang atensyon nilang dalawa, sumenyas ako ng pasensiya at sasagutin ko lang na tinanguan ni Sachie.

"Hello?" bungad ko.

Audrey : Why ba ate? I'm busy.

"Totoo ba? Sige sorry, papunta na ako. Saan ba?" tanong ko

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now