Kabanata 22

67 10 0
                                    

Kabanata 22

"Aubry, tama na 'yan."

Malalim na huminga ako at saka sumandal sa may sofa. Nanatili lang akong nakatulala at hindi pinapansin ang presensiya ng dalawa. Nilagok ko ang alak na nasa may harapan.

"Best, tama na 'yan hindi naman 'yan makakatulong sa 'yo. Hindi mo siya deserve madami pang ibang lalaki diyan," nag aalalang sabi ni Asenna.

After ng nangyari sa Condo ni Vio ay tinawagan ko silang dalawa, gusto kong lumabas.. gusto kong makalimot kahit saglit lang. Ayokong umuwi sa bahay ng ganito, nakakasawa na palagi na lang.

Habang nakatingala ay nakaramdam ako ng hilo dahil sa malilikot na ilaw na nag sasayawan. Ang malakas na ingay ng speaker at hiyawan ng mga tao. First time kong makapunta sa ganitong lugar, pero ang pangit ng first time ko dahil ganito ang ayos ko. Hindi ko magawang mag enjoy katulad ng iba.

Muli akong nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok 'yon. Umiikot na ang paningin ko pero gusto ko pa, ayoko pang tumigil. Kahit papaano ay napapakalma ako nito, masarap pala ang alak nagsisisi na ako na ngayon ko lang 'to sinubukang tikman.

"Tama na 'yan."

Binuksan ko ang mga mata at inaninag ang lalaking nakatayo sa may harapan ko, napangiti ako ng makitang si Smut 'yon. Kumaway ako sa kaniya at tumawa.

"Tsk, lasing ka na," kinuha niya ang baso na hawak ko at saka siya tumabi sa akin.

"Ikaw pala, ba't ang gwapo mo ngayon ha?" natatawa kong tanong.

"Umuwi na tayo," seryosong sabi niya.

"Ayoko pa! Hindi pa ako lasing 'wag kang kj!" sigaw ko.

"Aubry lasing ka na," pag-uulit niya.

Tumayo ako at muntik pang matumba kung hindi niya lang ako inalalayan. Bumitaw ako sa kaniya at saka nag pamewang. Seryoso ko siyang tinignan.

"Sino ang lasing ha? Ako? Baka ikaw!" singhal ko pa.

Bumuntong hininga siya na para bang napipikon na siya sa akin. Inis niya akong tinignan at saka umiling. Kinuha niya ang bote ng alak at isinalin ang natitirang laman non at saka niya nilagok.

Napaawang ang labi ko sa ginawa niya, hindi makapaniwalang napaupo ako at humikbi.

"Walang hiya ka! Inubos mo!" iyak ko at kinuha ang bote at sinuri. Muli ko siyang tinignan at saka pinaghahampas.

"Wala na! Wala na inubos mo na! Ang kapal ng mukha mo!" atungal ko at saka sumubsob sa balikat niya at doon umiyak.

"Hayss, lasing na talaga siya," rinig kong sambit ni Charls.

"Sige na ako na ang bahala sa kaniya, mag enjoy kayo para naman hindi sayang ang pagpunta niyo dito," mahinahong sabi ni Smut.

"Nako hindi na, ako lang rin naman ang mag eenjoy kung sakali kaloka! Wala akong aasahan sa kasama ko," maarteng sabi ni Charls.

"Hoy gaga ka! Ano ang tingin mo sa'kin?" singhal sa kaniya ni Asenna.

"Oh bakit hindi ba? Tignan mo nga 'yang suot mo! Sabi sa bar pupunta tapos abot hanggang paa ang palda mo with big shirt? Seriously? Mababaliw ako sayo!" saad ni Charls

"Ano naman ang masama sa suot ko?" Asenna said

Nilingon ko silang dalawa habang nakasubsob, tama nga si Charls sa suot ni Asenna. Hindi man ako fan ng mga sexy outfit ay may fashion pa rin ako sa pananamit. Hindi katulad niya na wala talagang paki sa kung ano ang suot niya.

"Wala grabe! Wala! Tara na nga!" inis na sabi ni Charls at hinila siya patayo.

"Saan tayo pupunta? Si Aubry..." nilingon ako ni Asenna kaya naman kinindatan ko siya.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now