Kabanata 17

76 12 0
                                    

Kabanata 17

Nakapalumbaba kong pinapanuod ang mga tao na naglalabas masok sa Mall na ito. May mga family na nagbabonding, may mag jowa na nag de-date at mga magkakaibigan na gumagala. Bumuntong hininga ako at tumulala sa may katapat na shop.

"Lalim non ah?" sabi ni Asenna matapos umupo sa harap ko. Inilapag niya ang foods namin at saka ako tinitigan.

"May problema ba?" tanong niya. Umiling lang ako at bahagyang ngumiti. Inayos ko ang inorder niyang foods at nag simula ng kumain ganoon din siya.

"Hindi pa ba kayo okay ni Luhence?" tanong niya sa gitna ng pagkain.

"Okay naman na kami, sabi niya susundan niya 'ko."

"Oh 'yon naman pala bakit ganiyan ang itsura mo?" tanong niya. Mabilis kong binitawan ang utensil na hawak at hinarap siya.

"Kasi alam kong wala naman talaga siyang balak mag-aral sa ibang bansa, baka napipilitan lang siya dahil doon ako," seryoso kong sabi sa kaniya. Ginaya niya ang ginawa ko at humarap sa'kin.

"Alam mo, siguro hindi naman niya sasabihin sa'yo yon kung napipilitan lang siya. At saka ikaw 'yan e. Ikaw si Marga! Yung babe niya!" pagpapagaan niya sa loob ko na ikinangiti ko.

"Talaga?" paninigurado ko

"Oo nga!" sabi niya saka ako kinindatan na ikinatawa naming dalawa.

"Aubry..." muli niyang pagbubukas ng usap habang kumakain kami.

"Hmmm?"

"Mahal mo ba si Luhence?" tanong niya na nakapag patigil sa akin naibagsak ko ang hawak na kutsara sa plato na gumawa ng tunog.

Ang alam ko gusto ko siya. Pero mahal? hindi ko alam, hindi ko pa alam.

"Wag mo ng sagutin, obvious naman sa muka mo," sabi niya habang nakangiti at nag patuloy sa pagkain.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Obvious sa muka ko? Bakit may nakalagay ba na Yes at No sa noo ko? Ako nga hindi ko alam kaya paano niya malalaman?

Matapos kumain ay sinamahan ko siyang mamili ng books. Nag aya kasi siya na gumala pero hindi puwede si Charls at may booking daw siya kaya kaming dalawa lang ang magkasama. Hindi ko na inaya si Vio dahil baka ma out of place si Asenna kapag ganoon.

Ilang oras pa kami nag ikot hanggang sa mapagod kami at nagpasya ng umuwi. Sa bahay pag-uwi ay wala akong naabutan kundi si Manang Aida at ibang maids lang. Ang sabi ay may appointment daw si daddy at si Mommy at Audrey ay umalis. Siguro mag papasalon nanaman silang dalawa. Nang makapasok sa kwarto ay saglit akong naglinis ng katawan matapos ay ibinagsak ko na ang sarili sa kama at hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako.

Gabi na ng bumaba ako at saktong kakatukin na sana ako ni Manang Aida para ayaing kumain. Pagbaba ko ay agad kong sinalubong ng bati ang pamilya ko at nagsimula ng kumain. Matapos kumain ay tumambay kami sa sala, Family bonding daw habang nanunuod ng movies.

Hindi ko maiwasang hindi mapansin sila mommy at daddy habang mahina at seryosong nag uusap. Pero tinutok ko na lang sa pinapanuod ang atensyon ko. Muli akong napabaling sa kanila ng magsalita si Mommy.

"Aubry anak sure ka na ba na ayaw mong mag padespedida party?"

"Hindi na po kailangan Mom, Lagi naman po akong tatawag at uuwi kapag may time at saka gastos lang 'yon," tumanggi man ako ay ngumiti lang si Mommy.

"Ang bilis lumaki ng mga anak natin Kalix, nakakatakot baka isang araw kailangan na nilang mag asawa," sabi ni Mommy habang nakasandal sa dibdib ni Daddy.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now