Kabanata 21

70 10 0
                                    

Kabanata 21

"Mag-iingat ka, bumalik ka agad."

Nginitian at tinanguan ko lang si Mommy habang sinisintas ko ang aking rubber shoes, kinuha ko sa may table ang tumbler ko at saka nagpaalam na sa kaniya at lumabas.

Sariwang hangin at masarap na sikat ng araw sa balat ang sumalubong sa akin paglabas ko ng bahay. Nagsimula akong tumakbo paikot sa park, malaki naman ang park sa may harap ng bahay namin at kung iikutin ko 'to ng dalawang beses ay sapat na ang layo niyon para sa isang araw na pagtakbo.

"Magandang umaga!" bati ng mga nakakasalubong ko.

Magandang ngiti at tango ang ibinabalik ko sa kanila. Nang mapagod sa pagtakbo ay huminto muna ako at saka uminom matapos non ay nagsimula na ulit ako. Napangiti ako ng may makasalubong na mag ama. Tinuturuan ng tatay ang kaniyang anak kung paano ang mag bike. Magandang tanawin sa umaga.

Patuloy lang ako sa pagtakbo nararamdaman ko na ang pawis na tumutulo mula sa noo ko.

"M-mama!"

Napahinto ako at pinuntahan ang bata na nahulog mula sa bike niya.
Agad ko itong tinulungan na tumayo at inupo sa may malapit na bench.

"Okay ka lang? Saan ang masakit?" nag aalalang tanong ko.

Itinuro niya ang tuhod na agad kong tinignan, nakita kong namumula 'yon marahil ay gumasgas sa pagkakahulog niya. Kumapa ako sa bulsa ng aking jogging pants at nabuhayan ng may makapa doon na band aid. Inilabas ko ang aking panyo at tumbler.

"Lilinisan ko ha? Sabihin mo sa'kin kung masakit," sabi ko sa kaniya na agad niyang tinanguan.

Binuksan ko ang tumbler ko at binuhusan ang parteng namumula, napahinga ako ng maluwag ng makitang maliit na gasgas lamang 'yon. Sinunod ko ang pagpunas doon gamit ang panyo, hinipan ko pa upang mabilis na matuyo at saka ko nilabas ang band aid na dala.

Itinaas ko ang dalawa at pinakita sa kaniya. "Ano'ng design ang gusto mo?" nakangiti kong tanong.

Palagi akong may dalang band aid sa bulsa dahil mahilig akong magkamot kaya minsan ay nagkakasugat ako. Ipinakita ko sa kaniya ang dalawang band aid, ang design non ay isang doraemon at isang spongebob. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala kung bakit ayon ang mga design non.

Itinuro niya si doraemon kaya 'yon ang binuksan ko at saka nilagay sa sugat niya. Naglabas pa ako ng isang band aid na doraemon at saka binigay sa kaniya.

"Eto, kapag natanggal ayan ang ipalit mo. Sa susunod mag iingat ka kapag nag babike ka ha," saad ko sa kaniya.

Nang matapos ay tinulungan ko siyang itayo ang kaniyang bike, kumaway ako sa kaniya ng magsimula ulit siyang mag paandar. Kinuha ko ang aking gamit sa may bench at nagsimula na ulit tumakbo.

Matapos ang dalawang ikot ay napagdesisyonan ko na umuwi na. Masakit na rin sa balat ang sikat ng araw. Habang tumatakbo papalapit sa may bahay ay bumagal ang pagtakbo ko at naglakad na lang ng may makitang lalaki sa may harap ng bahay namin. Binilisan ko ang paglalakad ng makilala 'yon.

"Umaano ka dito?"

Gulat siyang napalingon sa akin at napahawak pa siya sa dibdib niya. Kahit kailan OA siya. Sinuri ko ang suot niya, isang white plain shirt, isang gray short at naka rubber shoes din. Pawis din ang muka niya at basa ang kaniyang buhok. Mukang katulad ko ay nag jogging din siya. Pero ano ang ginagawa niya rito? Paano naman siya napadpad sa lugar namin?

"Dinadalaw ka," nakangiting sabi niya sabay kindat.

Umismid lang ako saka siya tinalikuran at binuksan ang gate. "Wala akong sakit, para dalawin mo."

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now