Kabanata 27

74 10 0
                                    

Kabanata 27

"Ano kaya ang nangyari kay doctora ano?"

"Hindi ko rin alam, basta nagulat na lang din ako ng dalhin siya dito sa ganiyang kalagayan."

"Sino naman kaya ang gumawa sa kaniya niyan? Baka naman may naka-away si doc?"

"Ewan lang, pero mukang hindi. Ang bait kaya ni doctora."

Naalipungatan ako sa mga ingay na naririnig sa paligid ko. Iginalaw ko ang katawan ko pero halos mapasigaw ako sa sakit non. Minulat ko ang mga mata at hindi rin nag tagal ay napapikit ako dahil nasisilaw ako sa sobrang liwanag. Muli akong pumikit at hindi ko na namalayan na muli akong nakatulog pakiramdam ko ay ang bigat ng katawan ko.

Sa muling pag dilat ko ay gabi na, katulad kanina ay masakit pa din ang katawan ko, pero kaya ko naman ng gumalaw. Nilingon ko ang paligid at nasisiguro kong nasa hospital ako. Tinignan ko ang itsura ko at nagpumilit na maka-upo. Nagtagumpay akong gawin 'yon kaya naman inayos ko ang unan sa likod ko at sumandal doon, napahawak ako sa tiyan ko ng sumakit 'yon.

Pinagpahinga ko ang sarili at tumingala sa kisame at inalala ang nangyari. Nanlaki ang mata ko ng maalala, nilingon ko ang paligid upang tignan kung may kasama ako ngunit wala.

"Ilang oras na kaya akong nandito?" tanong ko sa sarili.

Nilingon ko ang side table at ang gilid ng kama ko upang tignan kung nandoon ang cellphone ko. Ngunit wala akong makita, miski ang bag ko ay wala doon. Bumalik na lang ako sa dating puwesto at napabuga ng hangin.

"Sino kaya ang nagdala sa akin dito? Binalikan kaya ako ni Sachie?" tanong ko sa sarili.

Nang ma-inip ay bumaba ako, dahan-dahan ang kilos ko dahil sumasakit ang tiyan ko kapag nabibigla. Hila-hila ko ang dextrose na dumiretso sa CR, tumayo ako sa harap ng sink. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin  at napahawak na lang ako sa mga sugat na nasa mukha ko. Puro gasgas lang 'yon, sa labi ay may sugat ako, ganundin sa may kilay ngunit papagaling na ang mga 'yon.

"Aubry?" Natigilan ako ng may tumawag sa akin mula sa labas.

"Aubrielle! Gising ka na ba? Nasaan ka?" napasinghap ako ng makilala ang boses ni Sachie. Inayos ko ang sarili at lumabas ng CR.

Pagbukas ko ay saktong pagtapat niya sa CR siguro ay para tignan ako. Hinagod ko siya ng tingin at nag-aalalang hinawakan siya sa magkabilang braso, itinagilid ko pa siya upang makitang ang kabuuan niya.

"Okay ka lang ba? Kamusta ka?" tanong ko.

Mahina siyang natawa at tinanggal ang hawak ko, siya ang humawak sa akin at inalalayan ako pabalik sa hospital bed.

"Ako ang dapat magtanong sa'yo. Dahil sa akin kaya nangyari sa'yo yan, nadamay ka pa tuloy," mahinang saad niya.

Umiling ako at tinignan ang tiyan niya, tipid akong ngumiti. "Okay lang ako, desisyon ko 'yon. At saka para na rin sa baby niyo."

Siguro simula ngayon kailangan ko na talagang tanggapin ang katotohanan. Mag kakababy na sila, hindi naman tama na manghimasok pa ako sa buhay nila. Kaya kung kinakailangan ay talagang dapat ko na siyang iwasan.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Puwede ko bang hawakan?"

"Oo naman," Natawa siya, kinuha ang kamay ko at siya na ang nag patong sa tiyan niya.

Nangiti ako ng mahawakan ang tiyan niya, medyo malaki na ito. "Ilang buwan na siya?"

Ngumiti siya. "Six months."

Tumango ako at hinaplos ang tiyan niya, napasinghap ako ng sumipa 'yon. "Oh my god!"

Pareho kaming natawa dahil doon, nakipaglaro ako sa tiyan niya dahil kung saan ko hawakan ay doon sumisipa ang baby.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now