Kabanata 28

70 10 1
                                    

Kabanata 28

"Oh doc, day off mo bukas hindi ba?"

Nilingon ko si Doc Bria "Oo five days,"
at saka pinagpatuloy ang pagsusulat ko sa chart.

"Five days? Bakit may lakad ka ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo, pupunta ako sa probinsya."

"Ha? Probinsya?"

"Hmm," tumango ako "May sinuggest kasi si Mommy sa akin. Ang probinsya na 'yon ay malayo sa hospital at saka madalang na puntahan ng mga doctor gusto niya na tumulong ako doon."

'Yon ang usapan namin ni Mommy noong birthday ni Audrey, para daw makabawi ako ay gawin ko ang gusto niya. Hindi ko nga siya maintindihan dahil ang alam ko nagtatampo siya dahil wala akong oras para sa kanila. Tapos biglang gusto niya na pumunta ako sa probinsya. Pumayag na lang ako sa gusto niya.

Napasinghap siya. "Grabe, ikaw na talaga! Sobrang bait mo naman, baka kuhanin ka na ni lord niyan!"

Sinamaan ko siya ng tingin "Peace lang 'eto naman 'di mabiro," nag peace sign pa siya kaya napa-iling na lang ako.

Tinapos ko ang sinusulat sa chart at saka siya hinarap, pagharap ko ay saktong bumukas ang elevator sa may gilid. Napatingin kaming dalawa doon.

"Hi doc!" bati ni Sachie kay Doc Bria. Nilingon niya ako. "Oh Aubry? I mean Doc. Aubrey, ikaw pala."

Tumango ako. "Hi."

"Hello, may check-up kasi ako kay doctora ngayon," sabi niya sabay tingin kay Doc Bria

"I see," tumango ako at tumingin sa tiyan niya at nag angat ng tingin "Para kay baby?"

Ngumuso siya at lumingon sa likod niya kung nasaan si Harvey, tinanguan ko lang 'to. "Oo para kay baby, actually dapat next week pa kaso nagmamadali na 'tong lalaking 'to."

"Well hindi natin siya masisisi ganiyan talaga kapag first time daddy," saad ni Doc Bria na ikinatawa namin. Napakamot na lang sa ulo si Harvey dahil doon.

Nagpaalam na din sila pagkatapos noon, ako naman ay bumalik na sa office. One week na din ang nakalipas simula noong makabalik ako sa trabaho. Sa nag daang mga araw ay naging okay na ako, nakakulong na din ang mga gagong nag tangka kay Sachie sa tulong na din ni Harvey at Vio. Nag ayos ako saglit ng sarili para makapagsimulang makapag rounds.

Kasama ko si Nurse Lea at ang isa pang nurse na nag rounds, dalawang pasyente ko ngayon ang madi-discharge kaya naman ang sarap sa pakiramdam.

Pumasok kami sa room ng pasyente ko nangiti ako ng makitang nag aayos na ito ng mga gamit.

"Good morning," bati ko at tinanguan ang pamilya ng pasyente.

"Good morning doc," ngiting bati ni Aling Minda.

Tinignan ko ang chart at chineck ang suwero niya. Nilingon ko ang mga nurse na kasama. "Pakitanggal na 'to."

"Kamusta naman po? May nararamdaman pa po ba kayo?" tanong ko kay Aling Minda

Umiling siya. "Wala na doctora, maraming salamat po."

Ngumiti ako. "Walang anuman po, pakikuha na lang po ang bill niyo sa billing station," nilingon ko ang mga kasama niya.

Napataas ang kilay ko ng makitang masama ang tingin sa akin ng lalaking anak ni Aling Minda. Halos mapanganga pa ako ng irapan ako nito, bakla ba siya?

"Nakuha na po namin doctora," napatingin ako kay aling Minda ng mag salita ito. Napayuko siya at pinaghawak ang dalawang kamay at nahihiyang tumingin sa akin. "Ahm kung hindi niyo po mamasamain..."

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now