Kabanata 38

97 11 0
                                    

Kabanata 38

Bagsak ang balikat na umupo ako sa may sofa, sumandal ako at saka hinaplos ang tiyan ko, wala sa sarili akong napangiti at pinakatitigan 'yon. Hindi pa rin ako makapaniwala. May buhay na ngayon sa loob ng tiyan ko.

It's been a week simula ng malaman ko na buntis ako, wala pa ding pinagbago, parang bago pa rin sa pakiramdam ko kapag iniisip ko na may buhay na akong dala-dala. Saglit akong natigilan at malungkot na napangiti.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako, hindi ko alam kung bakit kami nag kakaganito. Isang linggo niya na akong iniiwasan, sinubukan kong ipaalam sa kaniya pero hindi niya ako hinahayaan. Akala ko pa naman ay matutuwa siya, pero mukhang nagkamali ako.

"Dra?"

Napalingon ako sa may pinto ng may kumatok doon. "Come in!"

Ilang saglit pa ay bumukas 'yon, at pumasok si Nurse Lea. Ngumiti ako sa kaniya, saka tumayo at pumwesto sa may table ko, naupo siya sa harapan ko at nag abot ng folder.

"Para saan 'to?" kunot noo kong tanong bago 'yon buksan.

"Galing po 'yan kay Dra. Alcantara."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Kay Doc Gaia galing?" she nodded "Bakit daw?"

"May emergency po kasi si Doctora."

Tumango-tango ako, sinimulan ko 'yong basahin, at hindi pa rin siya umaalis kaya naman nag-angat na ako ng tingin. "May sasabihin ka pa ba?"

Mukhang nabigla siya sa sinabi ko at mabilis siyang tumayo, na guilty naman ako, tumikhim ako bago muling mag salita. "I mean, kung may sasabihan ka pa ba, diba naka duty ka pa?"

"Ah yes po!" mabilis na sagot niya bago naglakad palabas ng office ko.

Nang makalabas siya ay mabilis ang naging kilos ko, pumasok ako sa restroom saka dumiretso sa sink. Inipon ko sa kamay ang buhok ko upang hindi sumayad, halos magkanda subsob na ako sa pagsuka.

Nang maginhawaan ay nag hilamos ako bago bumalik sa sofa, doon ay ibinagsak ko ang sarili. Nanghihina ako dahil sa pagsusuka, hindi ko talaga nagustuhan ang perfume na gamit ni Nurse Lea. Mabuti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko, at hindi ako nasuka sa mismong harapan niya.

Inabot ko ang phone ko sa may side table at saka nag dial. Nakapikit kong hinintay ang boses sa kabilang linya.

[Yes Doc?]

"Doc Bria, ahm may pasyente ka ba?"

[Wala naman, why? what's wrong?]

Tumikhik ako. "Ano kasi.... I'm not feeling well—"

[OMG! Wait, papunta na ako!]

"Tek—"

Hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ng babaan niya ako ng phone. Kahit kailan talaga! Binalik ko ang phone ko at saka pumikit, ang bigat talaga ng pakiramdam ko.

Kung magpapatuloy 'to ay mukhang kailangan ko muna huminto sa pagtatrabaho. Kahit sa amoy ng mga gamot dito sa ospital ay minsan ay hindi ko kinakaya. Bukod kay Doc. Bria ay wala ng nakakaalam ng kalagayan ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila, sa mga friends ko at sa family ko. Nalibang ako sa pag-iisip at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Okay, thanks."

Naalipungatan ako ng makarinig ng boses, nagmulat ako at binalot ako ng kaba nang makita na wala na ako sa office ko. Pinagmasdan ko ang paligid at nasisiguro kong nasa patients room ako, nilingon ko ang braso ng makaramdam ng kung ano doon. Kumunot ang noo ko ng makita na may nakakabit na IV sa akin.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant