Kabanata 18

71 12 0
                                    

Kabanata 18

[Sige na ibababa ko na, mag iingat ka diyan, I miss you.]

"Hmmm. I miss you too," mahinang sabi ko bago pinutol ang tawag.

It's been a months simula ng dumating ako dito. Kahit papaano ay nakakapag adjust na ako hindi katulad dati na umiiyak ako sa gabi dahil na ho-home sick ako. First time kong mahiwalay sa pamilya ko at kahit kasama si lola, hindi ako sanay na wala sila.

Napangiti ako ng bahagya ng maalala ang pag uusap namin ni Vio. Hindi siya nakasama sa akin dahil sa importanteng bagay, kahit duda ay hindi ko na inungkat pa. Malaki ang tiwala ko sa kaniya, at saka araw-araw kaming nag uusap kaya naman hindi ko na inalala pa 'yon.

Pagkababa ng sasakyan ay tiningala ko ang university na ilang buwan ko na ding pinapasukan. Ellington University, hindi nga ako nagkamali dahil bukod sa napakarangya ng university nito ay maganda din ang pagtuturo ng mga Professor wala kang malalait.

"Aubrielle! Come here!"

Nilingon ko 'yon at saka mahigpit na niyakap ang mga libro na dala bago lumapit. Nang makalapit ay bumeso ako sa kaniya.

"Saan ka? dito ka muna."

Saglit kong tinignan ang oras at mabilis na tumango ng makitang may kalahating oras pa ako bago magsimula ang first subject. Hinatak ako ni Millicent sa isang bench at saka siya nag simulang mag kwento. Hindi siya nag aaral dito pero lagi siyang nandito dahil may sinusundan daw siya, kaedaran ko lang siya. Noong una ay naiilang ako sa kaniya dahil hindi naman kami magkakilala basta noong nalaman niya na Pilipino ako ay bigla niya na lang akong hinila at sinabi na mag kaibigan na kami, hindi nag tagal ay gumaan na rin ang loob ko sa kaniya.

Hindi siya katulad ng ibang mga babae sa University na 'to. Medyo weird siya dahil lagi siyang naka hood at mask. Paborito ko ang magkaibang kulay niyang mga mata, aksidente ko lang yon na nakita hindi ko alam kung bakit niya 'yon pinapatungan ng contact lens pero hindi ko na itinanong dahil mukang pribado ang dahilan dahil na rin sinabi niya na huwag kong ipagsasabi.

Habang nakatambay ay binigyan niya ako ng kung ano-anong mga candy na galing sa bulsa ng hood niya. Natawa pa ako ng makitang may gummy bear din siyang dala, napaka weird niya talaga. Mabilis na lumipas ang mga oras kaya nagpaalam na ako sa kaniya at kailangan ko ng pumasok.

"Marga!"

Hindi ko pinansin ang tumawag na 'yon at saka dumiretso sa seat ko. Pero talagang makulit siya dahil tumabi pa talaga 'to sakin.

Inangat ko ang mga kamay sa muka niya ng akmang magsasalita ito. "Don't talk to me, makakaalis ka na," masungit na sabi ko.

"Grabe! Lagi ka na lang galit sa'kin!"
reklamo niya.

Totoo ang sinasabi niya, hindi ko siya gusto dahil sa dalawang bagay. Una, siya ang humalik sa'kin noong party ni Vio ang walang hiyang 'yon ay siya.
Pangalawa, naiinis ako sa presensiya lalo na kapag tinatawag niya ako sa pangalawang pangalan ko na si Vio lang ang gumagawa.

"Marga hoy! Mangongopya—"

"Puwede ba Smut? Lumayo-layo ka sakin baka hindi ako makapag pigil masapak kita," inis kong sabi sa kaniya habang nilalabas ang mga gamit ko.

"Ang harsh mo sa'kin! Tsk! Tomboy ka talaga," ismid niya bago umalis.

Bumuntong hininga ako tahimik na nagpasalamat dahil sa pag-alis niya. Lagi niyang sinasabi na tomboy ako dahil lang hindi ako nagagwapuhan sa kaniya. Well gwapo siya pero hindi ko 'yon aaminin sa kaniya dahil na pakahambog niya.

Nagsimula ng maayos ang klase at nagpasalamat ako ng hindi na ako guluhin ni Smut marahil wala din siya sa mood. Napansin ko 'yon kanina noong lumapit siya pero dahil hindi naman kami close hindi na ako nag tanong. Three subjects lang ang mayroon ako ngayong araw kaya maaga akong nakauwi sa bahay.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon