Kabanata 34

99 10 0
                                    

Kabanata 34

"Wala ka na bang pasyente at nag-aya ka na agad umalis?"

Nilingon ko siya bago mag patiuna sa loob ng condo niya. Dumiretso ako sa may sala at doon binagsak ang katawan ko. Pumikit ako at hinilot ang ulo ng makaramdam ng hilo.

"Wala na, anong gusto mong kainin?"

Dumilat ako ng tumabi siya sa akin at kuhanin ang bag sa balikat ko. Inilagay niya 'yon sa may katabing sofa at saka siya ang pumalit at pumulupot sa akin. 

"Anong ginagawa mo?" natatawa kong tanong.

"Namiss kasi kita," saad niya at saka mahinang natawa, mas lalo pa siyang sumiksik sa katawan ko.

"Marga?" tawag niya

"Hmmm?" sumeryoso ako at nilingon siya.

"I love you."

Nagtama ang paningin naming dalawa na ikinatigil ko tanging puso ko lang ang maingay sa oras na 'to. Lumunok ako ng umangat siya mula sa balikat ko at ilapit niya ang mukha niya. Seryoso lang ang mukha niya habang ako ay kinakabahan.

Muli pa siyang lumapit sa akin, nang ilang hibla na lang ang layo namin ay mabilis kong dinampian ng halik ang kaniyang labi at saka nagmamadaling umalis sa tabi niya.

"I need to pee!" dahilan ko at mabilis na nagtungo sa restroom sa may kusina.

Natawa na lang ako ng marinig ang pag-ungol niya na para bang naiinis sa akin. Pagkapasok sa ay sumandal ako sa likod ng pinto at humawak sa dibdib ko. Wala pa ring pinagbago ang tibok non.

Humawak ako sa aking labi at pinakiramdaman 'yon napakagat ako sa labi at napangiti. Impit akong tumili at saka humarap sa pinto at pinakinggan ang ginagawa ni Vio sa labas. Parang una pa rin talaga kung mag react ako sa mga ganitong bagay. It's been a week simula noong may mangyari sa amin pero ngayon lang ulit kami naglapit ng ganito.

Hindi ko alam kung kami na o hindi. Basta ang mahalaga, alam ko na mahal namin ang isa't isa.

"Oh god!" Napatalon ako ng marinig ang katok sa labas cr.

"Are you done?" tanong ni Vio.

Natatarantang nag-isip ako at agad na inayos ang sarili ko, humarap ako sa salamin at saka naghilamos. Nang matapos ay saka pa lamang ako nagsalita.

"Teka lang!"

Narinig ko ang yabag niya papalayo kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Tinignan ko ang sarili sa salamin at saka parang timang na ngumiti. Nang marealize 'yon ay pinilig ko ang ulo at tumikhim, inayos ang buhok bago lumabas. Dahan-dahan ang pagsara ko sa pinto upang hindi makagawa ng ingay.

Nang magawa ng maayos ay dahan-dahan ang lakad ko at saka sinilip si Vio sa sala. Tumango-tango ako ng makita siya doon. Muli akong tumikhim at umayos ng kilos, hindi nagpapahalatang apektado.

"Ano gusto mong kainin?" tanong ko, medyo malakas upang marinig niya.

Nilingon niya ako at saka siya nagtaas ng kilay, ginaya ko 'yon at saka nagdire-diretso sa may ref. Binuksan ko 'yon at hindi makapaniwalang wala pa ding laman ang ref niya kundi alak at itlog. Inis akong bumaling sa kaniya, sakto ay nakatingin pa din siya sa 'kin.

"Ano 'to?" inis kong tanong

Nagsalubang ang kilay niya. "Ref?"

Sarcastic akong na tawa "Funny ka boy."

Ngumuso siya at saka tumayo. Isinara ko ang ref at saka siya sinalubong, nang magkatapat kami ay mabilis akong umiwas at dumiretso sa sala. Kinuha ko ang bag ko at akmang isasakbit ng may yumakap sa likod ko.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now