Kabanata 13

71 14 0
                                    

Kabanata 13

"Welcome to our shop Ma'am," ani ng staff.

Kakatapos lang ng klase ng dumiretso ako dito sa Mall. Ngayon ang kaarawan ni Vio pero wala pa akong regalo sa kaniya, dahil lagi kaming magkasama at hindi ako makakuha ng tiyempo para umiwas sa kaniya. Maswerte na lang ako ngayon dahil napakiusapan ko ang mga kaibigan niya na guluhin si Vio kaya ako nakatakas. Mamayang gabi pa naman ang party kaya kahit last minute ay makakabili pa ako ng regalo.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng shop, hindi ko alam kung ano ba dapat ang iregalo ko, dahil parang sa tingin ko lahat naman ay meron na siya. Siguro ay titignan ko na lang lahat at kung ano 'yong makakuha ng atensyon ko ay iyon ang bibilhin ko.

Nagsimula ako sa mga keychain, napangiti ako ng makita ko ang hinahanap. Isang keychain na may logo ng coffee, tasa iyon na may parang usok. Simple lang siya pero ang cute niyang tignan dahil ang liit. After noon ay nag punta ako mga photo album, pinili ko ang isang photo album na kulay brown at style notebook simple lang din ang design nito. Isang lalaki na nakaupo sa bench habang may hawak na libro. Kahit parang ang plastik tignan dahil hindi naman mahilig magbasa ng libro si Vio ay binili ko pa din.

Naghanap pa ako ng iba, pero wala na akong mapili kaya dumiretso na ako sa counter. After non ay nadaan ako sa shop ng mga alahas, hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko papasok pero nagtingin-tingin pa din ako. Nakuha ang atensyon ko ng isang kwintas ang palawit niyon ay isang stethoscope na maliit, mayroon ding isang metal na hugis rectangle na kasama 'yon.

"Miss patingin ako nito," sabi ko sa staff at binigay niya naman sa'kin yon.

Nagulat pa ako sa bigat non. Jusko mahal yata 'to. Matapos masuri ay binalik ko 'yon sa staff.

"Kukunin ko," sabi ko

"Ano po ang ilalagay Ma'am?" tukoy niya sa metal na kasama ng kwintas.

"My future Doctor."

Matapos 'yon ay dumaan ako sa library nitong mall. Pumwesto ako sa may gilid at hindi masyadong matao. Inilabas ko ang mga pinamili ko. Una ang photo album at mga pictures na pinaprint ko idinikit ko 'yon isa-isa, nang matapos ay sinulatan ko ang cover ng photo album, calligraphy style 'yon at ang nakalagay ay
My baby boy.

Nang makuntento ay nilagay ko 'yon sa box na binili ko. Tinakpan ko 'yon at inayos ang ribbon at saka inipit ang birthday card.

"Oh iha ba't ngayon ka lang? Anong oras na," salubong sa'kin ni Daddy ng makapasok ako sa bahay.

"Bumili pa po kasi ako ng gift for Vio, sige dad aakyat na ako," sabi ko at humalik sa pisngi niya.

"Bilisan mo at sumabay ka na sa'min sa pagpunta kila Clarisse," pahabol niya

"Okay, dad," sigaw ko habang patakbong umaakyat.

Matapos ang ilang minutong biyahe ay narating namin ang mansion ng mga Sperbund. Bubungad agad sa'yo ang mga magagarang sasakyan ng mga bisita na nakahilera sa labas. Nang makapasok ay ilang batian pa ang nangyari, nakasimangot lang ako sa mga oras na 'yon. Habang sila Mom at Daddy ay masayang nakikipag tsikahan sa mga kakilala nila.

"Mom, mauuna na po ako," paalam ko na tinanguan lang niya.

Aabutin pa kasi ako ng magdamag kung hihintayin ko pa silang matapos makipag kamustahan. Inikot ko ang tingin sa kabuuan ng pinaggaganapan ng party pero wala doon ang hinahanap ko kaya naman pumasok na lang ako sa loob. Nakita ko agad si Tita Clarisse at Tito Matthew na nakikipag usap. Hinintay ko munang umalis ang kanilang kausap at saka lumapit.

"Good Evening po Tita,Tito," bati ko at bumeso sa kanila.

"Oh Aubry iha, nag kita na ba kayo ni Luhence?" tanong ni Tita at humiwalay sa'kin.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now