Kabanata 35

112 11 1
                                    

Kabanata 35

"Kamusta ka?"

Nilingon niya ako at saka siya tipid na ngumiti. Nawala ang ngiti ko at pumormal. Kilala ko ang ngiting ganiyan, hindi ako maaaring magkamali.

"I'm good," simpleng sagot ni Tee.

"Really?" paninigurado ko.

Tumango siya at saka sinserong nag bigay ng ngiti sa 'kin. "Hindi pa pala ako nakakapag pasalamat sayo. Thanks for saving me."

Mahina akong natawa. "Ano ka ba, wala 'yon."

Nilingon ko si Vio na ngayon ay nasa may counter at nagbabayad ng mga pinamili namin. Nangunot ang noo ko ng mabalingan sila Kaxtiel sa tabi nito.

"Brad 'eto pa," saad ni Kaxtiel at saka nag abot ng chuckie kay Vio, na hindi man lang nito tinapunan ng tingin.

Napanguso na lang ito at saka nilingon ang katabi, si Gavin. Akmang ilalagay na niya ang chuckie sa cart nito ng malakas na hampasin ni Gavin ang kamay niya.

"Pasabay lang naman!" angil nito.

Malakas ang pagkakasabi nito dahilan para mapalingon ako sa mga customer na katabi nila. Na nasa kanila ang mga tingin, hindi ko alam kung dahil ba gumagawa na sila ng eksena o dahil sa nagsusumigaw nilang mga itsura.

Hanggang ngayon ay gulat pa din ako na malaman na magkakaibigan pala sila. Bakit ko nga ba nakalimutan na nakita ko si Vio doon sa mismong hotel na pinaghatidan ko kay Tee. Talaga nga namang napaka liit ng mundo.

Patuloy sa pagkukulitan sila Kaxtiel at Gavin. Hindi ako sigurado kung nagkukulitan nga ba sila dahil wala pa ring reaksyon ang mukha ni Gavin, hindi katulad ni Kaxtiel na ngayon ay busangot ang mukha. Padabog nitong iniwan ang dalawa at saka kumuha ng sariling basket.

Gusto kong matawa ng makitang napakalaki non at iisang malaking chuckie lang ang laman. Mahilig ba siya don? Pumila siya sa likod ni Gavin habang lukot pa din ang mukha. Binalingan ko si Vio nang simulan niyang ilagay isa-isa ang mga pinamili namin sa may counter. Hindi nakatakas sa akin ang pagpipigil ng ngiti ng babaeng cashier at halos mahiya na ang kulay ng kamatis sa itsura niya.

Nang matapos ang cashier sa mga pinili namin ay nagtaka ako ng imbis na maglabas ng wallet ay naglahad ng kamay si Vio kay Gavin. Sinundan ko ng tingin 'yon at halos mapanganga ako ng kuhanin ni Gavin ang chuckie ni Kaxtiel at ibinigay kay Vio. Binayaran niya 'yon kasama ng mga pinamili namin bago pabatong ibinalik kay Kaxtiel.

"Weird," naiusal ko na lang.

"Yeah," sagot ng katabi ko, nilingon ko siya at nakitang busy ito sa sariling cellphone.

Napanguso ako at nagbalik ng tingin kila Vio, nag tama ang paningin naming dalawa kaya naman napangiti ako. Muli kong naalala ang pakilala niya sa 'kin kanina. Kumindat siya sa akin na mas lalong ikinangiti ko, naputol lang ang tinginan namin ng kuhanin niya na ang mga ipinamili namin. Nabaling ako kay Gavin ng siya na ang sunod sa counter, napasinghap na lang ako ng taasan ako nito ng kulay.

Ano ba'ng problema niya sa'kin?

Sunod kong tinapunan ng tingin si Kaxtiel na nasa likod niya. Napangiti ako nang ngitian niya ako, sumaludo pa siya na ikinatawa ko.

"Close kayo?"

Nilingon ko si Tee ng magtanong siya.
Umiling ako at saka ibinalik ang tingin kay Kaxtiel na ngayon ay busy sa phone niya.

"Hindi, hindi ko alam. Magaan lang ang pakiramdam ko sa kaniya kasi napaka jolly niya," sagot ko.

"Jolly? As if!" bulong nito na hindi ko masyadong narinig.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now