Kabanata 39

118 10 0
                                    

Kabanata 39

R18+

Tinaas ko ang kamay at saka tinignan ang singsing na nakasuot doon. Wala sa sarili akong napangiti, hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Hindi naman sa hindi ko inaasahan, pero akala ko ay matagal pa bago mangyari 'to.

"Feel na feel! sana all mahal,"

Natatawa kong nilingon si Doc Bria. "Bakit, sino ba ang hindi nagmamahal sa'yo?"

Ngumuso siya saka umirap, nilingon niya ang likod niya, nangunot ang noo ko at nilingon din 'yon, nanlaki ang mata ko ng makita ang tinuturo niya.

"What the hell! Si Charls?!"

"Uhmmm," sagot niya at saka ngumuso. "Masyado siyang maarte! Pasalamat nga siya at ako ang nagkakagusto sa kaniya, masuwerte na siya sa'kin no!" Sinenyas niya ang kabuuan. "Oha! Maganda, se─"

"Wait, wait!" Itinaas ko ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib ko. "You know naman na.... ano si Charls 'di ba?"

"Oo naman!" mabilis niyang sagot.

Nagsalubong ang kilay ko. "Yon naman pala, so bakit...."

She rolled her eyes. " I don't know, basta gusto ko siya!" nilingon niya ang likuran, sakto at nakatingin din sa amin si Charls. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway na mabilis niyang ginantihan.

"Charls! Hi!"

Nanlaki ang mata ko ng mangibabaw ang boses ni Doc Bria sa hallway. "Hoy! Gaga ka, bakit ka sumigaw? Nasa hospital tayo baka nakakalimutan mo!" suway ko.

Nilingon niya ako. "I know okay," saka muling ibinalik ang tingin kay Charls. "Doc Charls! Heart heart!"

Napasapo na lang ako sa noo at tinignan ang reaction ni Charls, gusto kong matawa dahil umakto itong parang nasusuka saka inirapan si Doc Bria, isa siguro ako sa mababaliw kapag nagkatuluyan sila.

"Babe.."

May mga kamay na galing sa likod ko ang pumalibot sa bewang ko at natigil sa tiyan ko, nagugulat na nilingo ko 'yon. Sumalubong sa akin si Vio na naka doctors suit din katulad ko. Katatapos niya lang siguro mag round dahil may hawak pa siyang chart.

Hinampas ko ang kamay niya saka 'yon tinanggal. "Nasa hospital tayo."

Ngumuso siya. "I know, namiss lang kita saka si baby," saka niya tinignan ang tiyan ko, ngumiti siya at kumaway-kaway na parang tanga.

"Sira ka talaga, wala ka na bang gagawin? mga patients mo?"

Umiling siya. "May free time pa 'ko, anong gusto mong gawin?" tanong niya na may nakakalokong tingin.

Namula ako saka siya pinandilatan ng mata. "Ang bastos mo!"

Mahina siyang natawa at napailing. "Wala naman akong sinasabi na kabastos-bastos. Ikaw yung bastos diyan."

"Ewan ko sa'yo!" ismid ko.

"Tara," anyaya niya.

"Saan─"

"Sa office mo, tara!" hindi niya na ako pinatapos at basta na lang hinila.
Huminto ako sa paglalakad kaya naman nilingon niya ako.

"Teka naman, si Doc Bria─ Ha! Kakaiba talaga!" naiusal ko na lang nang makita na wala na pala doon ang bruha at nakadikit na kay Charls, habang siya ay panay dikit, si Charls naman ay panay-iwas.

Napailing na lang ako bago nilingon si Vio, nakatingin din siya doon sa dalawa at lito rin. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Anong meron sa kanila?"

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now