Kabanata 9

88 15 0
                                    

Kabanata 9

"Te mag kagalit ba kayo?" Charls asked.

Simula noong mangyari 'yong sa bahay ay naging malamig na ang pakiki tungo sa'kin ni Vio. Hindi ko naman alam kung bakit siya nag kakaganon. Halos isang linggo niya na akong iniiwasan. Noong tinanong ko siya kung ano'ng problema hindi naman siya kumibo at sinasabi lang na busy siya.

Nasa Cafeteria kami ngayong tatlo. Si Charls, Asenna at ako. Si Vio ay hindi na sumasabay sa'min. Iniiwasan niya kami or mas maganda yatang sabihin na ako ang iniiwasan niya dahil ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa dalawa sa'kin lang hindi.

Ilang araw na akong stress dahil sa kaniya. Kinakausap niya lang ako kapag tungkol sa klase pagkatapos noon wala na. Hindi na rin siya sumasabay sa'kin umuwi kahit sa text or tawag wala siyang paramdam.

"Hindi ko rin alam basta naging ganiyan na lang siya," sambit ko habang tinutusok ang spag ko. Kahit sa pagkain wala na din akong gana dahil sa kaniya.

Minsan gusto ko na lang siyang komprontahin at sapakin dahil hindi na talaga nakakatuwa ang mga pinag gagagawa niya, sana naman sabihin niya kung may problema kami o ano hindi yung bigla na lang siya magiging malamig at hindi mamamansin.

"Harvey! Here!" tawag ni Asenna kay Harvey ng pumasok ito sa Cafeteria. Kilig na kilig naman si Charls at pinalipat sa tabi ko si Asenna para silang dalawa ni Harvey ang mag katabi. Hindi ko na lang 'yon pinansin at nakatungo pa din sa pagkain.

Nag angat lang ako ng tingin at simple siyang nginitian ng maupo siya sa harap ko. Napabuntong hininga na lang ako, bakit ba nag kakaganito? Dahil kay Vio pati si Harvey ay iniiwasan ko na din, baka dahil doon kaya na galit siya. Pero bakit siya magagalit? Ah siguro dahil na istorbo namin ang tulog niya. Pero ang babaw naman noon para hindi na siya ka agad mamansin.

"Are you alright?" tanong ni Harvey

"Oo, naman bakit?" simple kong sagot.

"Nako paps wag mo 'yang pansinin at problemado yan. Warlalu sila ni papsi Vio," sabi ni Charls kaya pinanlakihan ko siya ng mata at kaagad niyang tinakpan ang bibig, na hampas pa siya ni Asenna sa kadaldalan niya.

Pati ba naman 'yon kailangan pang sabihin? At saka obvious naman yon dahil halos hindi kami mapaghiwalay ni Vio tapos biglang ganito. Kahit sino naman yata mapapansin 'yon.

Hindi na nag salita si Harvey about doon at nag aalalang tumingin lang sa'kin na agad kong sinuklian. Habang tahimik na kumakain ay napatingin ako sa kabilang table ng biglang mag ingay ang mga nandoon.

Doon ang table ng mga kaibigan ni Vio na table na rin niya ngayon. Sa kanila siya sumama simula ng umiwas siya sa'kin. Nag hihiyawan ang mga kaibigan niya ng may babaeng lumapit sa table nila.

Pinagmasdan ko 'yon. Isang tourism student 'yong babae base na rin sa tangkad at ID lace niya. Nahihiya niyang iniabot ang maliit na papel na nakatupi kasama na ang paper bag niyang dala kay Vio. Sinundan ko ng tingin ang iniaabot ng babae at aksidenteng nag tama ang paningin namin ni Vio, nginitian ko naman siya pero nag iwas lang 'to ng tingin at saglit na bumaling kay Harvey. Binawi niya ang tingin at tinignan ang babaeng nasa harapan, nakangiti niya 'yong kinuha. Na ikanatuwa ng babae at ikinahiyaw ng mga kaibigan niya.

Hindi ko marinig ang usapan nila, dahil sa ingay ng mga tao roon. Pero mukang nag pasalamat si Vio doon at may sinabi pa ang babae na tinanguan lang niya. Ngiting-ngiti na umalis ang babae sa table nila at nakipag apir sa mga kaibigan nito na nasa table at nag kwento.

"Uhmm tara na? Anong oras na oh hindi ko pa pala nagagawa 'yong assignment ko sa physics," sabi ni Asenna at tumayo.

Wala naman na akong na gawa at tumayo na din, saglit pa akong bumaling sa kabilang table pero busy na sa pakikipag usap si Vio sa mga kaibigan niya. Bagsak ang balikat na bumalik ako sa classroom. Siguro dapat ko na siyang kausapin sa problema niya, hihintayin ko na lang siyang bumalik rito saka ko siya kakausapin. Dumukdok muna ako sa table at ipinikit ang mata.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon