KABANATA 14

239 17 0
                                    

Kabanata 14

_____________________________

Napaupo ako sa bench matapos akong iwan na naman ni Shan dahil totoong tinawag siya ng hospital, ihahatid niya na sana ako pero ako na ang umayaw.

Nawawalan ako ng gana sa kanya hindi kagaya niya na may iba kundi dahil sa nalaman ko ngayon, totoong nasaktan ako pero fuck hindi niya man lang inisip ang nararamdam ko ngayon.

Bukas na bukas ay sasabihin ko na ang lahat na ititigil ko na ang kasalan na magaganap samin.

Pero..nasasaktan parin ako hindi ko talaga kayang mawala sakin si Shan sakin, masyado ko siyang minahal para kalimutan agad-agad.

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko, wala na ako sa pag-iisip para isipin pa ang lahat. Lutang na lutang lang akong nakaupo sa may bench, pagkauwi naman namin ay puno ng pag-alala sina mama at papa dahil sa itsura ko, hindi ko sinabi sa kanila ang nangyari kaya mas nag-alala sila hanggang sa nakauwi na kami sa bahay.

"Jana are you okay?"nag-aalalang usal ni mama na nasa may hagdan lang.

"Oo naman ma."sabi ko na nakangiti saka naglakad papunta sa itaas.

Ayoko munang makipag-usap nino man wala ako sa huwisyo ngayon, tumulo na naman ang luha ko habang iniisip si Shan sa mga oras na kami pa ang magkasama.

Maghapong nakatulala lang ako sa kawalan habang iniisip kung ano na ang gagawin ko.

Napabangon ako nang kumatok si mama ss kwarto at kinakamusta, hindi daw ako ganito noong nakaraang araw.

Pinagbuksan ko nalang ito para hindi na magduda sakin..samin ni Shan.

"Anak? Namamaga ang mata mo? Ayos ka lang ba anong nangyari?"

"Wala naman po ma.."pagsisinungaling ko pero tinignan niya lang ako saka nagsalita.

"Nagsisinungaling ka na naman..tell me Jana."seryusong sabi ni mama.

Umupo ako sa may sofa ng kwarto ko saka tinabihan niya ako.

Doon nagsimula akong umiyak hinagod naman ni mama ang likuran ko.

"Ma.."nababasag na boses ko."Wala na po kami ni Shan.."doon ako umiyak ng malakas, nabigla naman si mama sa sinabi ko.

"Janina..paano nangyari yon?."nalulungkot na boses ni mama "Yung.."

"Yong kasalan di na po matutuloy."usal ko, hindi ko pa naman natatanong kay Shan ang tungkol dito pero ramdam ko na hindi na talaga ito matutuloy.

Wala na..pero may kalahati sa utak ko na nagtutulak na ipagpapatuloy ko ang relasyon namin ni Shan na hindi ko pwedeng isuko ng basta-basta nalang.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang umiiyak, hagod naman ni mama ang likuran ko at doon ko kwenento ang lahat na nangyari kahit siya ay nagulat rin sa nangyari samin ni Shan.

Hindi ko muna sinabi kay papa ang nangyari si mama naman ay naiintindihan niya ako kaya wala muna siyang pagsasabihan.

Mga ilang araw na rin akong nasa kwarto nawawaln ng ganang kumain pero dinadalhan naman ako ni mama ng pagkain kakain lang ako pag gusto ko.

Tamad akong kinapa ang cellphone ko sa tabi ng unan ko habang nakahiga lang ako.

Napatingin ako sa oras at araw, apat na araw na pala akong nakakulong sa kwarto, marami ringtext si Shan at calls niya hindi ko ito napansin ayoko lang na madisturbo ako pero ngayon ay nagawa ko ng hawakan ito.

Pero isang tao lang ang nakapagbigay atensyon sakin, ang isang mensahe ni Xia sakin.

Xia: Lets talk, maghihintay ako sa paboritong coffee shop natin..

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now