KABANATA 38

240 17 0
                                    

Kabanata 38

____________________

Natigilan ako sa sinabi niya at napakurap-kurap na napatingin ako.

"A-ano?"kinakabahang usal ko.

"Dito tayo titira..malayo sa syudad at may sariwa na hangin..maganda ang tanawin."nakangiting usal ni Shun na nakatingin rin sa paligid."I love this place.."

Naging emosyunal ako sa sinabi niya hindi ko akalain na aabot kami sa ganito, kaya pala naguguluhan ako sa pinagsasabi ni mama.

"Shun.."namamaos na boses ko pinipigilan na maiyak.

"Yes?"malambing na tawag niya.

"I love you.."mahinang usal ko at niyakap siya ng napakahigpit, niyakap niya rin ako ng mahigpit saka bumulong at hinalikan ang tenga ko.

"Janina..stay with me, I want to be the man who makes your bad days better....alam ko na nakalimutan mo na ang kapatid ko..I know, being someones first is always special, but being the last is even better baby..at alam ko na ako lang yon."seryusong usal pa niya na hinahaplos ang pisnge ko."I need you Janina, my heart needs you. And trust me when I say, I want you to stay by my side for as long as we live."

Napapahid ako sa mga luha ko dahil sa sinabi niya na nagbigay ng malakas na tibok sa puso ko.

"Baby..Shun a-anong sasabihin ko.."natatawang sagot ko.

Hinahagod-hagod niya naman ang likuran ko.

"Please dont stop loving me Janina?, cause I really want to end up with you."malambing at seryusong usal ni Shun na ngayon ay tinitigan at pinupunasan ang mga luha ko."Baby, lets live together..titira na kasama  ay ikaw lang at ang magiging anak natin.."

"Y-yes! Shun.."sagot ko habang tumatango sa kanya.

Mas lumapad ang saya namin ni Shun at agad naming niyakap ang isat isa.

"Thank you baby.."masayang sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Pumasok kami sa isang simpleng bahay, modern style iyon na nasa tuktok ng bundok.

Nilibot namin ang loob at namangha ako sa ganda nito wala pa namang mga gamit sa loob pero ayos na ayos na ang bahay ang kulang nalang ay mga gamit.

"Talaga bang dito tayo titira Shun?"namamanghang tanong ko

"Yeah, maganda ba?"naghihintayng sagot niya sakin at mistulang kinakabahan.

"Hmm, Sobrang ganda.. hindi lang ako makapaniwala na tayong dalawa na ang titira dito."sagot ko at lumapit sa kanya na niyakap habang nakatingin sa paligid ng bahay siya naman ay nakatitig lang sakin.

"Shun, ako na ang bahala sa mga gamit."bulontaryo ko na agad niyang tinangihan.

"No baby!, ako na ang bahala sa lahat dito."

"Shun, tayong dalawa ang titira dito..ibig sabihin hati tayo sa gagastusin okay? Ayoko lang na ikaw lang ang gumagastos dito..dapat ay nagtutulong tayo dito."reklamo ko sa gusto niya.

"Pero baby..."

"Shun hati tayo."

"Hind-"

"Ikaw sa pagpapatayo ng bahay ako ang bibili sa mga gamit."utos ko.

Napakamot nalang siya sakin saka bumuntong hininga.

"Fine."pagsuko niya.

Maliit lang ang sala siguro nasa sampung tao lang ang kakasya sa gilid naman nito ay ang kusina na malaki rin at may banyo sa kabilang dulo, sa second floor naman ay may tatlong kwarto na may kanyang-kanya na banyo at isang study area at sa harapan naman ng second floor ay may terrace kung saan ay makikita talaga namin ang tanawin at sasalpak ang sariwang malamig na hangin.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now