KABANATA 53

221 14 0
                                    

Kabanata 53

__________________

"Bakit mo tinapon?"gulat na ani ko sa kanya habang tinignan ang basurahan na nagkalat doon ang mga pinaghirapan kong mga papel.

"Dahil mali lahat."walang gana ring aniya.

Napatikom ko ang bibig ko at napakuyom ang kamao ko alam kong napansin niya iyon at wala na akong pakialam pa.

Alam kong galit siya sa akin dahil sa pang-iiwan ko pero hindi naman ata makatarungan ang ginawa niya ngayon.

"Paano mo naman malalaman na mali yon lahat? Sinunod ko lang ang utos mo. Ibig sabihin may mali karin." Sabay bawi ko sa braso ko na hinawakan niya.

Kinunutan niya ako ng noo bago magsalita."Kaya nga hindi ka nararapat dito dahil wala kang ala--"

"Shut the fuck up Shun!, hindi mo alam kung gaano ko iyon pinaghirapan para lang ipasa yon sayo but the you refused to accept it! Alam kong wala akong mali pero pinipilit mo parin. Im not complaining though, but I can sense it. Hindi ako tanga! Lagi kang galit sa akin kahit Im trying my best para magkalapit tayo." Hindi ganon kahaba ang pasensya ko para magpigil pa kay Shun, he is too much. Alam kong galit siya sa akin pero kung ang gagawin niya lang naman ay hindi rin nakakabuti ay hindi ko na alam kung saan pa ang patutunguhan ito!.

Gusto kong maiyak sa galit at sakit na nararamdaman ko pero sa huli ay pinakalma ko ang sarili at nginitian siya. "Hindi mo man lang pinapahalagahan ang mga ginagawa ko ngayon...Im trying to work dahil wala akong kwenta kung pati trabaho ay wala akong alam."nanginginig sa inis na usal ko at tinalikuran siya and the fuck really hurts ng matapilok ako bwesit!.

Hindi ako lumingon at patuloy akong maglakad paalis!

"Damn it! Hindi man lang nakikita ang halaga ko ngayon!"reklamo ko sa sarili habang nagmamaneho.

Nung gabing iyon ay hindi na ako kumain at natulog nalang. Kinabukasan ay pareho lang ang nangyari pero ngayon ay wala si Shun na mag-uutos sa akin.

"Suarez, lunch?"ani ni tita Den ulit.

"Mamaya na ako tita tatapusin ko lang itong huling pinautos ni Sir Shun."usal ko sa kanya tumango lang ito sakin saka umalis.

Kinuha ko ang mga tinapon na papel ni Shun sa basurahan. Ang lalaking yon ang hirap lapitan laging galit, siguro magagamit ko pa tong ibang natapon yung ilan sira na at tama nga si Shun may palya nga ang pagkakagawa ko dito.

Damn it na naman para dito.

"Napakawalang silbi mo Jana."ani ko nalang sa sarili ko, mas hindi pa ako masasaktan kong ang sarili ko ang sasalitaan ng masama. "Ang tanga mo rin naman Jana lagi mo nalang ginagalit ang mahal mo..yon! Tuloy nakaharap ka sa basurahan ngayon. Relax. Relax. Relax mahal ka non gago lang slight."

Mga ilang oras pa ay natapos ko na lahat. Gusto ko ng ipasa kay Shun ang nagawa ko pero boung araw siyang wala sa opisina niya.

Narinig ko kung paano kumulo ang tiyan ko sa gutom hindi pa pala ako nakakain ng lunch at dinner. Uuwi na naman ako nito ng late.

Tinipa ko ang phone ko to chat Beverly sa pagiging busy ko ay hindi ko na nababalitaan at itanong man lang kung anong nangyari sa kompanya na pinahandle sakin ni papa.

"Bakit hindi ka macontact saan kaba kasi?"naiiritang ani ko lalo na at nakaramdam na ako ng gutom.

Ibinalik ko nalang ang phone ko sa bulsa at inayos narin ang mga gamit ko para umuwi, akala ko darating pa si Shun pero siguro ay hindi dahil alas nuebe na naman.

May sinend na file galing G-mail si Bev at agad ko namang binasa at inaprobahan.

Dalawa ngayon ang gagawin ko sa pagiging C.E.O at pagiging secretary.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now