KABANATA 52

220 12 0
                                    

Kabanata 52

_________________

"My secretary?, sinong sinto-sinto naman ang papayag sayo. A boss and now magiging secretarya ko?"hindi makapaniwalang aniya.

Napalunok ako sa kaba. Damn it para naman akong nanliligaw nito.

"Gusto kong maging secretarya mo Shun. Papayag ka man o hin--"

"No. Tumabi ka nalang at umalis sa harapan ko."walang gana na aniya at nagulat ako sa pagiging harsh niya sa pananalita niya.

Para akong bata na umusog konti hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at pumasok na siya sa kotse niya na hindi man lang ako tinignan na umalis siya.

Tama si Beverly. Kailangan kong ibalik ang tiwala ni Shun kagaya noon at ipakita ko kung anong dapat kong ipakita sa kanya.

Mahirap siyang kausapin ngayon dahil alam ko naman na may galit siya sa akin pero hindi parin ako makakaila na nasaktan ako ngayon sa mga kinikilos niya.

Kinabukasan ay nagulat si Beverly sa disesyon ko. Siya ang inaatasan kong maging C.E.O. muna sa kompanya, una ay hindi niya nagustuhan ang plano ko pero sa huli naman ay pumayag siya sa kasunduan namin, nandoon lang naman ako para tulongan siya kung may problema.

Dalawang buwan lang naman yon at babalik na ako doon, pero sa ngayon ay si Shun ang uunahin ko. Sisiguraduhin kong mapapalapit ako sa kanya.

Maaga akong nagtungo sa opisina niya, mabuti nalang at nakapasok ako sa may secretary na room.

Doon ko siya hinintay, sinulyapan ko ang bawat paligid sa lugar ng secretary. Maliit ito pero malinis, umupo ako sa sa swivel chair nito at tinignan ng mabuti ang bawat anggulo.

Napatayo nalang ako sa gulat ng may tumikhim sa harap ko, inayos ko ang damit na pencil dress ko na kulay brown at buhok na nilugay lang.

Napatingin ako sa kanya na naka taas lang ang kilay at nagtatakang tinignan ako sa mukha, napatingin ako sa sout niya gusto kong kiligin na kasing kulay rin lang kami ng damit. Biege tuxedo with a perfect style of necktie.

"Gusto kong maging secretary mo."ani ko bago niya pa akong unahan.

Napairap nalang siya sa hangin and he look so pissed!.

"Ayok--"

"Gusto ko, wag kang mag-aalala hindi ako pabigat."seryusong ani ko.

Desperada na ako wala na akong pakialam kung anong mang tingin niya sa akin ngayon kung mukha akong naghahabol sa kanya ngayon dahil totoo naman.

"And do you think ayos lang sayo to? Hindi ko kailangan ng secretary Ms. Suarez, kaya ko lahat."

Napatikom ako sa bibig ko dahil sa titig niya na wala man lang halong ibang emosyon, kung dati ay nababasa ko ang nasa utak niya ngayon ay iba na..I can't read his mind. Napayuko ako sa hiya pero ayokong sumuko sa paglapit sa kanya!.

"Tutulongan kita Shun! Marunong ako! Kaya ko lahat!"pamimilit ko pa na parang bata.

Natawa siya ng mahina sakin saka tinignan ako mula sa ulo hanggang paa.

"Ganon ka naba kahirap para magtrabaho ka pa dito? O ilalapit mo ang sarili mo sakin dito ngayon."asik niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko hindi ako makasagot dahil sa takot ng usal niya at ang titig niya.

"Hindi makasagot? Kasi totoo? Just leave Suarez, hindi ako uto-uto kong sa inaakala mo. Para narin akong kumuha ng bato at ipinukpok sa ulo ko kung tatanggapin pa kita dito." malamig na aniya.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon