KABANATA 45

225 16 0
                                    

Kabanata 45

______________________

"Janina.." hindi makapaniwalang sagot niya.

Ng makatayo na kami ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Bumalik ka."masayang usal niya "akala ko iiwan mo na ako ng ganon..Im sorry baby..Im sorry.."

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap lang siya ng mahigpit, aaminin ko na miss ko siya sobra lalo na sa mga yakap niya.

Ako ang kumalas sa yakapan namin at tinignan siya sa mga mata niya, hindi ko napansin na umiiyak pala siya. Pinahiran ko iyon at saka hinalikan siya sa labi.

Nagulat siya sa ginawa ko at napapikit narin at niyakap ako ng mahigpit.

Pinapasok ko siya sa kwarto ko, wala na akong pakialam kung malaman man nila mama at papa na nandito si Shun.

Pinaligo ko siya sa banyo ko habang ako naman ay nababaliw sa kahahanap kung ano ang ipasusout ko sa kanya.

Hanggang sa may nahanap na ako pero roba lang yon na kulay pink.

Ng makalabas na siya ay tinapon ko sa kanya ang roba na pink, naguluhan naman siyang tinignan ito.

"Susuotin ko to?"

"Oo, naghahanap pa ako ng damit na kakasya sayon..alangan naman pangbabae ang ipasusuot ko sayo?"

"Kaya pink ang binigay mo?"

Lumapit siya sakin kaya napaatras ako.

"Hey!"

"Papatayin ang aircon okay..magtatowel akong matulog."

"No!"reklamo ko."Magkakasakit ka niyan...hahanap nalang ako."sagot ko at naghanap hanggang sa makakita akong ng damit pero kay papa naman itong damit na kulay puti. Wala na akong magawa kundi ang ibigay na sa kanya yon.

Ng soutin niya iyon ay hanggang hita niya lang iyon, namula naman ako ng wala siyang sout na brief o boxer.

"Panty nalang kaya ang ipapasout ko sayo?"parang timang na opinyon ko.

"What? No!"reklamo niya

Ng mahiga na kami sa kama ay tahimik lang akong nanunuod  ng youtube sa phone ko habang siya ay nagbabasa lang ng libro.

"Baby ang ingay mo."

"Hindi ako maingay ito ang maingay."turo ko sa hawak ko.

Sinarado niya nalang ang libro at humiga ng maayos sa kama, hindi narin ako nagtipa sa phone ko at humiga narin ng maayos.

Tahimik lang kami sa isat-isa hanggang sa nagtanong na ako sa kanya.

"Shun..may sasabihin kaba?"panimula ko. Dahil may sasabihin rin ako sa kanya.

Napatingin siya sakin at umayos sa pagkakahiga.

"Im sorry Jana..baby, alam ko nasaktan kita sana mapatawad mo ako.."

"Shun, yon lang yon?--I mean..hindi ko alam kung bakit mo pa yon ginawa samin, girlfriend mo ako..pero hindi na ngayon."

Nagulantang siya sa huling sinabi ko at hindi makapaniwalang tinignan ako sa mga mata ko.

"Dika nagbibiro? N-no..Jana.."

Kailangan ko muna ng oras para sa sarili ko, simula noon kay Shan hanggang kay Shun ay hindi ko nabigyan ng oras ang sarili ko. Siguro nakakabuti muna ito samin ngayon, hindi ko pa kayang tanggapin ang ginawa nila.

"Jana..--"

"Shun..please I need some time..ilang beses ko bang hihingin to sayo?.."

Malungkot siyang napayuko at saka hinawakan ang kamay ko.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now