KABANATA 43

222 15 0
                                    

Kabanata 43

_____________

Umiling ako na may halong sarkasmo at bumuntong hininga.

"Ano ba nga ba ang problema natin dito?"mahina pero seryuso kong tanong, naguluhan naman siya sakin at mas ginulo pa ang buhok niya.

Nabigla ako ng suntikin niya ang manibela niya at doon kinabahan ako.

"Fuck it! Hindi ko rin alam ang problema mo! Nagagalit ka nalang sakin ng basta-basta at hindi mo sinabi sakin!.."parang sasabog ang puso ko sa kaba dahil sa sigaw niya at doon hinarap niya ako na namumungay ang mga mata "Janina..bakit kaba nagkakaganito?..isang linggo at kalahati kanang hindi namamansin sakin..tell me anong problema mo."

"Kung sasabihin ko ba? Aaminin mo na?"nagulahan naman siya sa tanong ko hanggang sa tumango nalang ito.

"Maybe?, basta wag ka lang magalit sak--"

"You know Im mad Shun..at wala ka ng magagawa ron..bakit ako pa ang magsasabi sa mga kasalanan mo kung ikaw nga ay alam mo?"

Mas kumunot ang noo niya mas nagulat nalang ako ng marahas niyang pina-andar ang kotse, napasigaw ako sa sobrang lakas nito.

Papaluin ko sana siya at bubulyawan ng mas lumakas pa ito mas napakapit pa ako.

"Shun anong pinag-gagawa mo!"

Hindi siya sumagot sakin at mas binilisan pa ang sasakyan niya.

Hanggang sa nagulat ako ng muntikan na kaming makabangga ng isang malaking truck na flammable.

Hindi na kinaya ng sarili ko at naiiyak akong tinakpan ang mata ko, mas sumakit sa katitibok sa gulat kaba at takot ang puso ko.

Hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na mangyayari samin ngayon.

"Shun!! Itigil mo na ito!!"

Pero hind siya tumigil sa kabibilis ng takbo sa kotse, umiyak na akong humarap sa kanya pero seryuso siyang nagmamaneho. Galit na galit.

Napahawak ako sa kamay niya hanggang sa unting-unti ko ng maramdaman ang pagbagal sa pagmamaneho niya.

Napatingin siya sakin at huminto narin sa pagmamaneho.

Malapit na kami sa bahay ng magulang niya, pero hindi ko alam kung papasok ba kami doon o hindi.

"Jana..wala naman akong tinatago sayo. Sabihin mo nga sakin..naguguluhan na ako!"

"Bakit mo ba ako sinisigawan Shun!"

Natahimik naman siya agad saka bumuntong hininga.

"Natatakot ako..galit ka at hindi ko alam ang gagawin sayo."iwas tinging sagot niya "lagi kang galit kung hindi naman galit ay iniiwasan mo ako."

"Ano ba ang ikinatakot mo sakin Shun?"may makabuluhang tanong ko. Matagal siyang nakasagot sakin at hindi kalaunan ay hindi na nga sumagot.

"Im hungry kina mama nalang tayo mag-lunch."

Hindi ako tumango pero pumunta kami sa bahay nila tita, nasasakal ako pero wala akong magawa nakabuntot ako kay Shun ngayon.

Nasa railing lang ako habang siya ay nasa loob ng kwarto nagpapalit ng damit.

Napabuntong hininga akong nakatitig lang sa ilalim ng bahay nila.

Nasa sarili ko na ayokong bumalik dito pero meron rin sa puso ko na sundin nalang si Shun.

"Ang lalim ng iniisip mo..anong problema?"napako ako sa boses mula sa likuran, matagal-tagal naring hindi kami nagkausap ni Shan at hindi nagtanong sakin kung ayos lang ba ako.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now