KABANATA 28

256 20 0
                                    

Kabanata 28

____________________________

Mga ilang minuto pa ay narating na namin ang resto niya, papasok na sana kami ng may humarang kay Shun na babae.

Maputi ito kasing taas ko rin at maganda siya, simple lang ang paglalagay ng make-up niya. Nakatitig lang siya kay Shun kaya ako naman ay napapatingin naman sa kanya.

"Hey?"usal ni Shun.

"Lets talk."maarteng sabi ng babae saka tumingin sakin at kay Shun ulit. "about our baby." natigilan ako sa sinabi niya at napatingin kay Shun na sumeryuso ang mukha.

"Avi, what are you saying? Baby?"naguguluhan na usal ni Shun "I dont think sakin yan..I used protection okay?"

Naiilang ako sa pinag-uusapan nila kaya nagsalita na ako.

"Hmm..S-shun mauna na muna ako sa loob."usal ko at hindi ko hinintay ang sagot niya saka nalang sila iniwan sa labas.

Pumasok ako at naghanap ng mauupuan at saktong nakahanap naman ako, hinintay ko muna si Shun bago mag-order.

Napapiling lang ako habang tumitingin sa labas, nalimutan ko ata na babaero si Shun. Ang kilala kong babaero sa lahat.

Khail Shun the great fucker.

Kalimitan kasi sa ilang kakilala kong babaero sa kapanahunan sa collego ko ay nagiging ama nalang ang ilan na babaero ns kilala ko dahil may nabuntis sila.

And..hindi ko inaasahan na si Shun ay magiging isa rin doon, napasinghap ako sa gulo ng utak ko hindi naman as in gusto ko na si Shun pero pagnagkataon nga na totoo ang sinabi ng babae kanina ay maiinis ako sa kanya dahil nabigyan ko pa siya ng pagkakataon kung saan ay may nabuntis na pala siya. Dapat ay alam niya ang responsibilidad niya! Hindi sakin.

Tinignan ko ang pasukan at labasan ng resto mas natigilan pa ako ng makita ko si Shan at Xia, na naman..bakit dito ko rin sila makikita?.

Para akong sinampal ulit sa katutuhanan na sila na nga dahil sa hawak nilang kamay sa isat isa.

"Damn."mahinang usal ko tsaka tumingin sa ibang side, ayokong masaktan na naman ang mata ko pero ang sakit na naman.

Nag-iwas tingin nalang ako at nakakatitig lang sa labas sa may bintana kasi ako nakaupo.

Napahawak ako sa may leeg ko nang maalala ang nakalagay na marka sakin ni Shun ay kumuha ako ng band-aid saka idinikit sa parte na hinalikan niya.

Napabuntong hininga ako sa kahihintay kay Shun hanggang sa dumating na siya at tahimik na umupo sa harapan ko.

"Baby..yung kanina about kay Avi.."mahinang usal niya saka hinawakan ang kamay ko.

Pero hindi sa kanya ang atensyon ko kundi sa may likuran niya kung saan hindi sa kalayuan namin ay si Shan ang nakikita ko at si Xia ang nakatalikod sakin.

Ang saya nila tignan parang wala lang sa kanila na masaktan ako ng ganito.

"Baby..Im really sorry okay?..wag ka ng magalit sakin..hindi ko naman anak ang dinadala niya baby..may nangyari lang samin--"nahinto siya ng mapansin niya siguro akong umiiyak. "Shh..baby..Im sorry."

Napaiwas ako ng tingin sa likuran ni Shun, ang sakit pala kung titigan mo ng mabuti ang taong minahal mo kasama ang ipinalit sayo.

Ang sakit na naman ulit.

"Shun.."ani ko at sa kanya na tumingin nakita ko naman ang kaba sa sarili niya. "Huwag nalang kaya tayong kumain?"ani ko, nag-iba agad ang reaksyon niya at napalitan ng lungkot.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz