KABANATA 22

258 18 0
                                    


Kabanata 22

_____________________________

"Subukan mo Shun! At ako na ang makakalaban mo!"nagulat ako sa biglaan na bulyaw ni papa napatingin ako sa paligid kung kami lang ba ang narito at nagpasalamat naman ako na kami lang tatlo dito.

"Matagal na akong handa tito, at hinding-hindi ako magpapatalo tandaan niyo ya--"hindi ko narinig ang susunod na sasabihin ni Shun ng marinig ko ang isang malakas na parang may nagsuntukan na kaya napabalikwas ako sa pagtatago ko at lumabas nakita ko si Shun nakatayo samantalang si papa ay nasa sahig.

Nagulat ako sa ginawa ni Shun kay papa kaya agad ko siyang tinulak nagulat siyang makita ako na lumitaw sa harapan niya biglaan.

Inalalayan ko si papa saka tinignan ng masama si Shun.

"Ano ba ang ginawa mo kay papa!"usal ko pero hindi siya nagsalita sakin.

Tinignan ko si papa na may pasa ang kamay.

"Ayos kalang pa?"

"Lets go Jana..hindi tayo pwedeng mag-stay sa lugar na ito.."habol na hiningang sabi ni papa.

Nang papaalis na kami ay tinitigan ko muna ng masama si Shun na ngayon ay nakatitig rin sakin ng blanko saka ko siya iniwan don.

Nawala nga sa isipan ko si Shan dahil si papa at Shun na naman ang pinoproblema ko kung bakit ba sila nag-away doon sana ay nagpakita na pala ako kung alam ko lang na ganon ang kalalabasan.

Wala na sila Shan nang makabalik kami at hindi narin bumalik si Shun siguro ay ayaw niyang magkita sila ulit ni papa.

Hinintay kong matapos ang party ni papa kaya nang matapos ay umuwi kami agad matapos pasalamatan ang mga taong pumunta sa party at hindi na nagpaligoy-ligoy pa at nagpaalam nalang kami nila tito at tita Jean na umuwi.

Kinaumagahan ay pagod akong bumaba sa hagdanan namin napatingin ako sa may malaking orasan namin sa dingding alas onse na pala ng umaga, masyado akong napagod kaya halos hapon narin akong nagising.

Humikab akong bumaba sa hagdan papunta sa may sala ng makita ko ang isang bulto ng lalaki nakaitim lang ito lahat pero pamilyar sakin ang pangangatawan niya agad akong kinabahan at lumakas ang pagtibok ng puso ko.

"Shan?"malakas na usal ko humarap naman siya sakin pero nagkamali ako sa nakita ko, napataas kaahad ang kilay ko sa kanya."Shun? bakit ka nandito sa bahay? Paano ka nakapasok saan ka dumaan?"sunod sunod na tanong ko.

Pero wala siyang sinagot at agad na lumapit sakin.

"Dont move! Dyan kalang!"usal ko agad kaya napahinto siya.

"Nakablack lahat? Why is that?"guluhang tanong ko napatingin naman ako sa table nila mama at papa na nasa may gilid lang ng sala at nagkalat doon ang mga papel nila.

Napatingin ulit ako kay Shun hindi ko masasabi na wala siyang ginawang mali sa loob ng bahay paniguradong may hinahanap siya dito na hindi ko alam, wala sina mama at papa ngayon dahil kaninang umaga lang umalis papunta sa Iloilo.

"Jan--"

"What are you doing here Shun?"diin na sabi ko.

Tinangal niya ang cap niya saka ang mask at lumapit sakin pero pinigilan ko siya ulit na huwag.

Rinig ko ang pagsinghap niya.

"Kagabi..Im sorry Jana.."

"Sorry? Para sa pagsuntok ni papa? Wow nice gift lang Shun."pagak na usal ko.

Kumunot naman ang noo niya sakin at ako na ang lumapit sa kanya at tinignan ng masama.

"Hey "parang kinakabahan na sabi niya dahil sa ilang pulgada nalang ang layo namin amoy ko na ang hininga niya. "Janina!?"

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now