KABANATA 44

221 17 0
                                    

Kabanata 44

____________________

Napasinghap ako at mahinang bumaba sa hagdanan ayokong magising sina mama at papa.

Nang makalabas ako ay narinig ko ang pagsampal niya sa braso niya halatang nilalamok sa kahihintay.

Ng mabuksan ko na ang gate namin ay napaayos siya sa kinatatayuan niya at humarap sakin.

Ang pagod na itsura at magulong buhok kasama ang necktie niya na wala na sa ayos.

Tinignan niya ako sa nagsusumamong mata niya at mabilis niya akong nilapitan para yakapin pero umiling ako.


Hindi niya ako sinunod at niyakap niya akong ng mahigpit.

"I miss you baby.."

"Tama na Shun.."mabilis akong kumals sa pagkakayakap niya sakin at lumayo ako ng ilang dangkal mula sa kanya.

"Janina..please..Im sorry, bumalik kana sa bahay natin" Aniya

"Shun..gusto ko munang magpahinga..bigyan mo naman ako ng oras para sa sarili ko."paliwanag ko.

Napakunot siya sa noo niya at yumuko nalang. Fuck! Kung alam niya lang na ayoko na ganito ang itsura niya.

"Nasasakal kana..Hindi mo na ako mahal..nasaktan kita..galit na galit ka..at.."tinignan niya ako na may sobrang lungkot sa mukha."Hindi mo na ako mapapatawad..pero Jana, mahal kita paniwalaan mo naman ako. Ayokong nag-aaway tayo..Im sorry."

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang luhang nagbabadya.

"Shun..bigyan mo lang ako ng oras please..oras lang.."sagot ko at tinalikuran siya at pinagsarhan ng gate.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na ito hinarap pa.

Kinaumagahan ay alas 10 na ng umaga ako nagising, pag nasa bahay ako at walang magagawa ay late na akong magising.


Ng makababa na ako sa hagdanan ay nakita ko si mama na nasa may sala busy sa mga ginagawa niya since nandoon ang table niya.

"Morning ma!"

Tinignan naman ako ni mama na nakangiti.

"Kumain kana."usal niya at pumunta na ako sa kusina, natigilan ako ng may bulaklak sa lamesa.

Kinuha ko iyon at tinignan.

'To my baby'

Napakunot ako sa noo. Pero nasa puso ko ang saya-no! Ginamit niya ako.

Kinuha ko iyon saka tinapon sa basurahan.

Matapos kong kumain ay tinulongan ko na si mama sa gawain niya at maghapon na kaming ganon at busy sa trabaho.

Nasa bahay lang si mama pero tinutulongan niya si papa.

"Hija, galit kaba kay Shun?"napamaang ako sa sinabi ni mama.

"Ma..alam mo ang sagot"sagot ko nalang habang may tinitipa sa laptop.

"Pero alam mo ba na pagmahal mo ang isang tao ay mawawala ang galit mo sa kanya kahit na maliit o malaki man iyon? Mapapatawad mo siya hija..mahal mo si Shun diba?"tinignan ko si mama saka ngumiti nalang.

"Kung ano ang iniisip mo ma  yan narin ang sagot."

Pagkatapos namin sa ginawa namin ay inayos ko ang sarili ko, gusto ko munang pumunta sa mall. Alas 4 pa naman ng hapon may oras pa ako para makabili sa bibilhin ko.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now