KABANATA 59

227 13 0
                                    

Kabanata 59

_________________

Kinaumagahan ay wala akong nakuhang tulog dahil sa pangyayaring iyon pero kinaya ko paring gumising ng maaga para pumasok sa trabaho hindi na bilang secretary kundi bilang C.E.O. ng kompanya namin.

Hindi na nga ako nakapagpaalam sa kanya pero siguradong maiintindihan niya naman ako.

"Good morning Miss Janina Kieth Suarez."bati sakin ng mga empleyado.

Ayoko munang magpakita kay Shun for sure kasama niya ang fiancee niya sa oras na ito, kaya ako na ang lalayo sa magbibigay sakit sa puso ko.

"Ano ba naman to ang hirap. Wala bang ibang option dito Carla?"

"Maam wala po talaga. Mas gusto nila ang unang offer".

"Well. E cancel nalang natin ang contract sa kanila since wala tayo-"

Napahinto ako ng pumasok si Beverly halatang gulat rin siya dahil sa kunot noong mukha ko kay Carla.

"Sige Carla. Yon na yon cancel."pagtataboy ko nito.

Lumapit naman si Beverly sakin para sa sasabihin niya pero its too late. May pumasok na naman sa opisina ko.

Napatingin ako kay Beverly na may katanungan pero ngumiti lang siya sakin.

"Thats it..both of you need to talk about something. Iiwan ko muna kayo."nakangising aniya at inilapit pa ang mukha niya sa tenga ko. "Talk lang ah baka marinig ko ingay niyo sa laba-"

"Ayssh go na Bev."pagtataboy ko sa kanya and there tinignan ko ng maayos si Shun na papalapit sakin matapos lumabas si Beverly.

"What do you want Shun?. Absent lang ako sa kompanya mo dahil may kailangan lang akong--" naputol ang sasabihin ko ng lumapit pa siya sa may swivel chair ko kaya napatayo ako at umalis doon. Umatras ng umatras hanggang sa mahawakan niya ang bawat braso ko at sinandal sa pader.

"Hey!?"

"5 days? Talagang ayos lang sayo ang ganon."napatigil ako sa sinabi niya at naiilang na ngumiti sa kanya.

"Sorry kung hindi ako nagpaalam okay..kailangan lang talaga ako dit--"

"Ganyan ka naman palagi. You leave at babalik na wala lang sayo ang lahat."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, seryuso lang siya saking nakatingin.

"Shun..kung about na naman ito sa past alam mo kung anong sasabihin ko. Pero damn nandito lang naman ako? Nagtratrabaho hindi umali-"

"Still."diin na sabi niya at hinahagod-hagod ang mga braso ko napatingin ako sa mga haplos niya na nagbibigay kiliti sakin pero hindi ko naman pinahalata."Hindi ka parin nagpaalam. Bakit ganito ka sakin Janina? Lagi mo nalang ako pinaghihintay, pinagmumukhang tanga na lalak--"

"Wait Shun. Ni minsan hindi kita ginawang tanga."asik ko sa kanya "Im..still very fucking confused! Bakit ka ganito sakin ngayon kung may fiancee ka!?" Sabay bitiw ko sa kanya.

Iba ang nararamdaman ko ngayon, ang lakas ng tibok ng puso ko dahil magkadikit kami at mas lumalakas pa ang kaba ko dahil hindi ako makapaniwala na nakatayo siya sa harapan ko.

Bumuntong hininga siyang napaiwas tingin sakin habang ako ay tahimik lang na nakatingin sa kanya.

Nasasaktan rin ako sa bawat galaw na ibibigay niya na hindi ko naman maiintindihan.

"Nasasaktan na ako Shun."namamaos na boses ko na agad niyang ikinatingin sa akin. "Everytime na gagawa ka ng ganitong scene, as if you really care for me just like before..lumalakas ang pintig ng puso ko at hindi iyon normal dahil alam ko kung anong ibig sabihin non, mahal kita.."napapahid ako sa mga luha ko at nag-iwas tinging umalis sa kinasasandalan ko at umalis nang humarang siya at hawakan ang bewang ko.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now