KABANATA 51

214 14 0
                                    

Kabanata 51

________________________

Tulala akong nakatingin lang sa bintana ng opisina ko, pinapasok ko na si Beverly sa opisina ko para malapit lang kami pag may kailangan.

Isang linggo narin kaya kilala ko na siya, una ay kinakabahan siya sakin dahil sa suplada look ko, ayoko naman maging ganon ang tingin ng iba sa akin kaya ibinalik ko sa kulay itim ang buhok ko at matuwid na ito. Hindi naman sa iniba ko ang buhok ko dahil sa ibang tao pero gusto ko lang baguhin ang sarili ko.

"Sad Ms. Kieth?"aniya habang may tinitipa sa laptop

"Sa tingin mo?"malditang ani ko "at pwede ba wag mo nga akong tawaging Kieth!, Jana nalang." I like her bilang kasama sa trabaho hindi plastik ay at mas hindi sipsip kaya ayos lang sa akin na palayaw ang itawag niya sa akin. Hindi naman ako ganon ka suplada slight lang.

"Jana then."aniya "Gusto mo si Velasco, Khail Shun?"napatingin ako sa kanya agad.

"May chismosa na pala akong secretarya ngayon?."taas kilay na ani ko umiling nalang siya sakin.

"Hindi naman, Ms. Jana pero napapansin kitang tulala matapos sa meeting niyo ni Velasco."

Napairap nalang ako sa sinabi niya dahil totoo naman. Sa isang linggo ba naman na kasama ko siya ay kilala na namin ang isat isa.

"Paano mo naman nasabi na mahal ko nga yon?"ani ko.

Mahina naman siyang natawa sakin."Wala naman akong sinabi na mahal mo siya Ms. Jana.."nagulat ako sa sinabi niya "pero nakikita ko sa mga mata mo na iba ang tingin mo sa kanya..siguro ay ayaw mo lang aminin."pang-aasar pa niya

Napairap nalang ako ulit sa kanya at nagtitipa sa mga kakailanganin.

Pero hindi parin mawala sa isipan ko lahat ng nakita ko. Kulang nalang ay hubaran na ni Shun ang damit ng babae, nambababae na ba siya ulit? Ayaw niya na ba sakin?.

Napapikit ako sa pinag-iisip ko hindi ko dapat hinuhusgahan ng ganito si Shun dahil alam ko na ako parin ngayon ang gusto niya.

Kung kinaya niya akong mahalin simula bata pa man ay makakaya niya rin ngayon at hindi ako mapapalitan.

Nasapo ko ang ulo ko sa kaiisip ni Shun. Alam kong sinadya niya lang yon para maabutan ko siya na ganon sila. Diba?

"No!"ani ko nalang. Damn it problemadong-problemado talaga ako ngayon!.

"Ang alin Ms. Jana?"

Napabuntong hininga nalang ako kay Beverly at binigyan niya ako ng kape.

"Meryenda."

"Salamat Bev."ani ko sanay inom ko.

"Bev?"ulit niya.

"Bakit may problema ba sa sinabi ko?"taas kilay na sabi ko at mahinang siyang ngumisi.

"Like that nickname."sabay inom sa hawak niyang tasa.

"Bev."

"Yes Ms. Jana?"

"Paano kung nagkita kayo ulit pero iba na siya sa dati? Pero alam mong mahal mo pa siya at mahal karin niya..anong gagawin mo."minsan kailangan kong batukan ang sarili ko, masyadong personal ang pinagsasabi ko kay Beverly!.

Napatingin ako sa kanya na pawang nag-iisip siya sa anong isasagot sa akin.

Napainom nalang ako ng kape at iwas tingin sa kanya.

"Nevermin--"

"For me."napatingin ulit ako sa kanya "Walang problema doon kong alam niyo na nagmamahalan kayo sa isa't-isa. Pero para sa akin lang ha, kung yan ang case niyo between Shun Velasco Ms Jana it's way better kung ipakita mo sa kanya ang halaga niya at ipakita mo na mahal mo talaga siya at least malalaman niya na mahal mo siya diba? Kahit nagbago man si Sir Shun ngayon...ay mababalik ang dati niya sa pamamagitan ng gagawin mo ngayon."mahabang sagot niya.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now