KABANATA 20

259 17 0
                                    

Kabanata 20

_____________________________

Matapos akong ihatid ni Shun sa room ko ay hindi na ako mapakali sa binitiwan na salita niya, gumugulo parin sakin hanggang ngayon pero hindi ibig sabihin na naapektuhan ako at kakabog ang puso sa saya kundi sa lungkot.

Mahal niya parin ako kung saan ay siya parin ang nasasaktan hanggang ngayon, hindi ko kayang mahalin siya kung ang pag move on ay mahirapan na sakin ano pa kaya kung magmamahal pa ako na labag sakin?.

Kinaumagahan ay nagising ako halos alas nuebe na ng umaga tinawagan narin ako nila mama at papa na paparating na sila dito sa resort, naisipan kong lumabas muna para magpahangin ulit. Nakasout lang ako ng flip flops at simpleng yellow na off shoulder dress dala ang phone ko at headset palabas.

Naglakad-lakad lang ako sa may dalampasigan habang naka earphone lang gusto ko munang mag-isa dahil mamayang gabi ay makikita ko na sina Shan at Xia.

"J-jana?"sa lakas ng musika ng earphone ko ay rinig ko ang pagtawag nito sa likuran ko.

Damn it hindi pa ako handa makita sila ngayon.

Para akong kahoy na nakatayo lang at hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Jana.."tawag pa niya sakin ulit, napapikit ako saka huminga ng malalim at humarap sa kanya.

"H-hi?"nauutal na bangit ko sa kanya."Very nice to see you Xia."nakangiting usal ko.

Pero sa totoo ay nagpipigil lang ako at meron sa isipan ko na gusto kong tanongin si Xia sa lahat dahil parte narin siya ng buhay ko.

"Jana..nandito kaba para magpahangin? Pareha pala tay--"

"Hindi paba obvious?"pagmamaldita ko.

Naiilang naman siyang ngumiti sakin saka yumuko dahil sa pagkahiya.

"L-lets talk?.."mahinang usal niya, magmamaldita sana ako pero ito yung gusto kong sabihin sa kanya ngayon gusto kong linawin sa kanya lahat alam ko na hindi parin mawawala ang pagiging magkaibigan namin kahit ganito na kami ngayon.

"Sure Xia..marami rin akong dapat klaruhin satin."diin na sabi ko.

Marahan siyang tumango saka umupo kami sa may malaking bato kung saan dito kami noon kumuha ng larawan at nag-uusap tungkol sa plano namin noon pero iba na ngayon ang pag-uusapan namin ngayon hindi tungkol sa masaya kundi pighati na.

"Jan--"

"Bakit niyo nga ako niloko ulit?"tanong ko.

Tumikhim siya bago sumagot sakin.

"Janina, masaya na kami ni Shan ikaw nalang ang kul--"

"Fuck you..yon ang kulang sa inyo."sabi ko

"Hindi ko inaasahan na sa kanya pala ako mahuhulo-"aniya na dinugtungan ko agad.

"Sa taong alam mo na may iba na?"plastikan na sabi ko.

Nalalandian ako sa sagit niya! Ganon nalang ba yon lahat? Hindi naman ako pumayag na ipinimigay si Shan.

Kapal rin ng mukha niya! Matapos ang lahat ay nagawa niya pang sabihin na masaya siya!

"Janina makinig ka kasi saki-"

"Oh? Makinig sayo? Sa taong manloloko?"ani ko na ikinagulat ko ang ginawa niya sakin.

Napahawak ako sa ulo ko na binatukan niya ng malakas.

"Ano ba!!!"asik ko habang hagod-hagod ko ang ulo ko.

Umayos siya bigla sa pagkakaupo saka nakatingin lang sa may buhangin.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now