KABANATA 62

241 14 0
                                    

Kabanata 62

________________

Nang uuwi na ang lahat ay nagpasya si papa na si Grey na ang hahatid sa akin kaya sa huli kami narin ang nasa parking area.

"Ang tagal mo ata kanina sa banyo?"tanong niya "you okay?."

"Hmm oo naman."naiilang na sagot ko.

Pinasakay niya ako sa kotse niya na inalalayan pa nang mag start ang engine ay sumandal ako sa may bintana at napatingin sa kawalan ng mahagilap ng mata ko si Shun na nakatayo sa madilim na lugar nakatingin sa sasakyan namin na nakakuyom ang kamao sa galit at iritasyon.

Meron siyang sinabi pero hindi ko marinig ang alam ko lang ay..

"Dont make me jealous.."usal ko at napatakip sa bibig ko.

"Ano? Bakit?"napatingin ako kay Grey na nagugulahan sa sinabi ko.

"W-wala..haha."

Napasinghap nalang ako ng makaalis na kami sa resto.

Mga ilang araw rin kaming busy lalo na si Grey hindi na kami magkakasama hindi rin namin pinag-uusapan ang kasalan na magaganap at si Beverly na palagi ang nasa tabi ko since siya ang secretarya ko.

Abala ako sa pagtitipa ng laptop ko at pagpipirma sa mga gusto kong sang-ayunan na proyekto dito sa kompanya namin.

Natigil ako sa katok at pagpasok ni Beverly, siya lang ang kauna-unahang secretarya ko na walang hirap na pumasok dito sa opisina ko.

"May nagbilin sayo."tipid na usal niya.

Napakunot ako ng noo.

"Really? Ano naman."

"Lets say na manliligaw mo."

"Wala akong ganon."sagot ko habang nakasandal sa swivel chair.

"A fucking roses and grossy chocolates with chessy letters matching with a scumbag guy who is waiting for you in damn outside...ew..."nandidiring aniya.

"Sure ka? Meron talaga?"hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango naman siya at nagsinyas na nasa tabi niya.

"Papasukin mo nga kung meron."hamon ko at ngumiti naman siya.

"Its a prank.."natatawang sagot niya na mas kumunot ang noo ko anong nakaprank doon? Wala nga siyay naprank ni isa sa balahibo ko.

"Alis nalang may trabaho pa ako."usal ko at ibinalik sa pagbabasa ang sarili ng marinig ko na magsarado ang pinto ay saka naman bumukas ulit.

"Alam mo laos na ang prank mo Bev, timplahan mo nalang ako ng kape may silbi kapa."asik ko.

"Im here."

Napaangat ako ng tingin hindi na ako nagulat na nandito si Shun na walang dala ni kahit ano hindi naman siya yung tipo ng lalaki na effort sa pagbibigay ng chocolate at bulaklak.

Pero na prank ata ako ni Beverly.

"Chocolates? Flowers? Letters? Asan?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Ha wala."nahihiyang pero seryuso siya

"Sit Im busy today."pag-aamin ko.

Umupo naman siya sa may sofa na nakatingin lang sa akin kaya napaangat ulit ako ng tingin sa kanya masama ko siyang tinitigan pero seryuso talaga siya sa titig niya.

"Anong problema mo?"anas ko.

"Tapusin mo muna ang ginagawa mo saka na tayo mag-uusap."kalmado pero nandoon ang pagiging iritable niya.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now