KABANATA 56

227 14 0
                                    

Kabanata 56

________________

Tinignan niya ako ng maigi at sa kamay ko.

"Im sorry."mahinang aniya at iwas tingin sa akin pero hindi ko inalis ang tingin sa kanya.

"Saan doon?"tanong ko rin.

"Anong saan doon?"ulit niya pa.

Uminom ako ng tubig bago ko siya sinagot.

"Sa rami ng kasalanan mo ngayon saan doon ang esosorry mo?"

Natahimik siya sandali bago magsalita.

"Kumain na muna tayo. Lets talk some other time, kailangan mong magpahinga since may lagnat ka."maawturidad na utos niya.

Makatapos naming kumain ay nag-usap nga kami sa rooftop ng hospital, nakaupo lang ako sa wheelchair habang siya ay nasa likuran ko. Nakatingin lang kami sa ilalim ng building, sa mga sasakyan na nagtatakbo at mga maliliit na taong naglalakad.

"Ako lang ba ang dapat magsorry Jana?"

Napatulala ako sa abot ng kaba at pagkabigla ko hindi ako makatingin sa likuran ko ang kamay niya lang na nakahawak sa likuran ng wheelchair ko.

"Im sorry then."busangot na sagot ko na nakatingin lang sa paligid.

Rinig ko ang buntong hininga niya at binitiwan ang hawak na wheelchair na nagtungo sa may railing at doon nakasandal na nakatitig sa akin.

"Hmm. Im sorry rin sa nagawa ko. Aaminin ko na naging strikto ako sayo, mahigpit at pinagbabawalan ka sa lahat."aniya at nag-iwas tingin, mahigpit akong napakapit sa upuan ko at doon kumuwala ng tanong.

"Shun..hindi ko mawawala ang galit mo sakin pero sana malaman mo na--"

"Na ano?"taas kilay na putol niya.

Napakagat labi ako sa kanya bago nagsalita.

"About us."deritsong ani ko at napaiwas naman siya sakin. "Gusto kong pag-usapan at malaman lahat sa atin noon at gusto ko rin sabihin sayo ang lahat--"

"Para saan paba yon Jana? Nakaraan na natin iyon."naiinis na aniya. Nasaktan ako sa dating ng pananalita niya pero hindi ako nagpadaig.

"Yeah..tama ka."pagsusukong sagot ko.

Tinitigan niya muna ako  at tumalikod nalang sakin.

"Magpapahangin lang naman tayo dito bakit kailangan pa nating magkwento ng gani--"

" Noong araw na huminto ka sa daan..hindi ko alam na may gusto ka palang sabihin doon, umalis ako kasi gusto ko ng oras para makapag-isip sa lahat Shun..inaasikaso ko rin ang pamilya ko. Hindi ko inaasahan na may mababasa pala ako galing sayo..hindi ko alam na naghihintay ka sa akin para magpropose--"

"You know what? Tigilan muna yon Jana hindi naman yon importante pa--"

Sa pagkakataon na ito ay ako na naman ang pumutol sa kanya.

" Bumalik ako para ayusin ang pagkakamali at pagkukulang ko sayo. Kasi kahit ano pa man ang mangyari ay babalik naman ako sayo."

"Damn Janina!"nagulantang ako sa malakas na pagtampal sa railing kulang nalang ay suntukin niya ang bakal. Hindi siya humarap sa akin at nakatingin lang siya sa ilalim ng building. "Ano?Kahit anong mangyari babalik ka? Fuck! Ayoko ng maniwala pa Jana..pinangako mo noon na hindi ka aalis diba? Na sa tabi ka lang sakin pero hindi mo yon nagawa. Bakit ang hilig mong ibalik lahat yon?" Napatanga ako sa sinabi niya at doon ay hinarap niya na ako habang ako ay nanginginig ang kamay sa takot at sakit na emosyon.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin