KABANATA 41

217 16 0
                                    

Kabanata 41

______________________

Napako ako sa pagkakayakap niya sakin.

"Baby?"nag-aabang na sagot niya sakin

"B-bakit mo naman yan nasabi?"pagdadahilan kong tanong.

"Xia is pregnant, I guess youre pregnant too. Im excited baka matatawag ko na ang sarili ko na papa?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Nakokonsenya ako, hindi ko man lang sinabihan noon. Damn it.

"Ahmm..Shun..I took pills..Im sorry."nanlumo agad siya sinabi ko na nakatitig sakin.

"Pills?."

Dahan-dahan akong tumango sa kanya na kinakabahan baka magalit sakin o magtampo.

Hindi ko alam na gusto niya na ng anak!

Agad kong hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon " Mahaba pa naman ang oras baby."

Dinig ko ang buntong hininga niya at niyakap ulit ako ng mahigpit.

"Yeah..Waiting..next time no pills na. Nagtatampo ako."biro niya pero nandoon ang pagkadismaya.

Kinalaunan ay nakababa na rin kami hawak niya ang braso ko saka kami umupo sa isang table kung saan nandoon sina Xia at tita.

Nakita ko rin si mama sa tabi ni tita, marami ang mga bisita na naghihintay kung kelan lalabas si tito sa mini stage. Nagpapatugtog rin sila ng ilang mga instrumento sa gilid, hindi ko mahanap si papa kaya ako na ang nagtanong kay mama.

"Kausap niya si tito mo.."nakangiting sabi ni mama.

Na miss ko kasi sila mga ilang buwan narin simula ng hindi ko na sila makita araw araw dahil sa pagsasama namin ni Shun.

Humarap ako kay Shun na kausap ang pinsan nito sa gilid.

"Dala mo ba ang phone ko?"Ani ko.

"Nope? Why?"

"Kukunin ko nalang baka naiwan sa kwarto."usal ko.

Tinignan niya naman ako saka tumango at tumayo.

"Sasamahan na kita."aniya.

"No..ako na..nag-uusap pa naman kayo ng cousin mo..kaya ko na may kukunin rin akong iba don."paliwanag ko.

"Sigurado ka?"

"Yes Shun...babalik rin ako dito."nakangiting usal ko.

Wala naman siyang magawa kundi ang pumayag nalang.

Aalis na sana ako ng pigilan ako ni mama.

"Ang tagal ng papa mo, sabihin mo nalang sa kanya Jana na magmadali sila dahil magsisimula na."ani ni tita Jean sakin.

"Sige po tita."usal ko saka nagpatuloy ng umalis.

Mga ilang minuto na ay magsisimula na at nasa kwarto na ako para kunin ang naiwan ko. Naalala ko naman ang bilin ni tita sakin kaya hinanap ko narin si papa ang sabi kasi ay may inaasikaso lang.

Pumunta ako sa itaas na palapag ng bahay dahil doon lang naman ang alam ko na puntahan doon ko makikita si tito at papa na may pag-uusapan na mahalaga.

Naglalakad palang ako ay narinig ko ang boses ni papa, papasok at kakatok na sana ako ng biglang may sumigaw sa opisina ni tito at batid kong si papa iyon.

Dito sa silid na ito ay palagi ko nalang nadadaratnan at napapansin na may kakaiba sa lahat na parang may tinatago ang pamilya ni Shun sa amin.

"Paano mo nagawa sa amin at ng anak mo yan!"nagulantang ulit ako sa sigaw ni papa, habang nasa pader lang ako nakasandal at nakikinig sa kanila.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now