Part 2

2K 72 4
                                    

Sa totoo lang namimis ko na din kabonding ang mga dati kong barkada dito sa village iba pa din ang nararamdaman ko pag sila ang mga kasama ko kahit binubully nila ako..dahil lang kay papa kaya  ako na mismo ang lumayo nagkataon din na nagsabi si Rex ng nararamdaman nya sa akin..ang totoo matagal ko ng crush si Rex pero hindi ko pinapahalata dahil nga magkakaibigan o magkakapatid ang turingan namin ang tatlong lalaki ay magkasing edad kami si Deanna lang ang mas bata sa amin ng 2 taon kaya tinawag namin syang bunso at binibaby sa grupo bukod kasi sa nag iisang anak lang sya at wala pa syang magulang dito lola nya lang ang nagpalaki sa kanya.

Ayaw na ng papa ko na makikipag barkada na sa kanila dahil matatanda na daw kami mayron ng malisya sa isa't isa at ang pinakaayaw nya baka  maging tomboy din daw ako dahil puro lalaki ang kasama namin kaya daw si Deanna naging tomboy dahil sa kakasama sa 3 lalaki..

Mahigpit ang papa ko batas sa bahay ang mga salita nya kahit mama ko walang magawa pag ang papa ko na ang magsalita..kaya ang ate ko ng makapag asawa sa singapore na naninirahan dahil ayaw nya makasama si Papa ang bunso naman namin ng makatapos ng nursing ay sumunod na din sa ate ko sa singapore para don na din magtrabahu..kaya lahat ng paghihigpit binuhos lahat ng papa ko sa akin..kahit may trabahu na ako..pag sinabi nya na ganitong oras ako uuwi kailangan sundin ko yon pati schedule ng trabahu ko inaalam nya kung anu oras pasok ko at kung anu oras ang out pag my overtime inaalam nya din..

Pag walang pasok nasa bahay lang ako..wala din ang mga magulang ko araw araw dahil my grocery kami sa palengke malakas ang negosyo ng papa ko dahil nag iisang whosaler lang sya kaya marami syang mga suki na my mga tindahan din, gusto nya pagkagraduate ko sana tutulungan ko na lang sila magmanage pero ito ang isang bagay na hindi ko sinunod dahil gusto ko magtrabahu na hindi sya kasama kahit  ito lang ang paraan na makawala ako ng panandalian sa tabi nya..kaya sa call center ako nagapply at panggabi ang schedule ko kasi pag araw ako lang mag isa sa bahay kasama ang 2 katulong at least sa gabi pag nasa bahay na sila nasa trabahu naman ako..pag day off ko naman tumatawag pa sya sa bahay kung umalis daw ako..

Kahit sakal na sakal na ako sa ugali ng papa ko hindi ko din sila magawang iwanan kahit ilang beses na ako kinukumbinsi ng mga kapatid ko na sumunod sa singapore ang inaalala ko si Mama
dahil nakalakihan na namin na laging sinisigawan ng papa ko ang mama ko noon nagsawalang kibo lang ako pag naririnig ko pero ngayon sinasagot ko na sya pag nagsisimula na syang awayin si mama buti tumitigil din sya..

Ang nakakinis lang pag nasa bahay ako at walang pasok ang mga dati kung kaibigan naging hobby nila ang mag videoke nagkataon na ang garden nila ni Deanna ay katapat lang ng kuwarto ko sa 2nd floor kaya lahat ng ingay pasok lahat sa room ko..buti sana kung mga magaganda ang boses..naalala ko dati nung magkakasama pa kami ako ang madalas nila pinapakanta dahil maganda daw boses ko kaya ako naman tuwang tuwa dahil sa mga puri nila at ginawa pa nila akong muse ...pero ang lahat ng ito ay hanggang sa alaala na lang dahil hindi ko kayang suwayin si papa..ayaw nya din na isa sa mga barkada ko ang manligaw sa akin dahil daw sa family backround si Rex kasi sikat ang papa nya na kurakot at nandaya sa election kaya nakailang term na sya nakaupo pagtapos ng term nya mama naman nya ang tatakbo,si Isaac naman hiwalay ang magulang dahil daw nanlalaki ang Mommy nya kaya lumaki sila ni Isaac sa father si Kevin naman kurakot din daw sa dpwh ang magulang parehong mataas kasi ang katungkulan lahat yan puro pagdududa lang sa utak ni papa wala pa naman nakapgpatunay na totoo ang mga duda nya..pero sarili nyang kapintasan hindi nya nakikita..mas lalo si Deanna tomboy isang salot daw kaya hindi daw ako dapat makikipagkaibigan sa mga kagaya nila..kaya kahit mahal ko si Rex sinarili ko na lang ..wala pa ako lakas para suwayin si papa kung sakaling susuwayin ko sya baka si mama naman ang pagbubuntunan nya..pati tauhan nya sa grocery wlang tumatagal dahil sa pag uugali  nya hindi ko nga alam kung panu nakatiis si mama sa loob ng 27 yrs na ganito ang pag uugali ng papa ko..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now