Part 34

1.4K 73 31
                                    

Tuluyan na pinaubaya ni Mama ang grocery sa kanila ni Ate Mitch
kaya araw araw wala din silang
mag asawa sa bahay yong mga bata na lang kasama ni Mama
pinakilala na muna sila ni Kring sa
mga supplier..dahil.kailangan na din ni Kring paghandaan ang pag dating ng boyfriend nya..

2mos na lang manganganak na din ako si Deanna naman hiniram nya
muna ang driver sa agency nila para maghatid sundo kay Japhet
sa school dahil sa dami ng inaasikaso nya hindi na kaya ng
oras nya...para na din daw may driver kami in case may emergency
habang wala sya dito sa bahay..

Sinamantala nya kasi habang hindi ko kabuwanan dahil kailangan nya magleave pag malapit na ako manganak..

Bilib talaga ako kay Deanna inaalala nya lagi kayo..tingnan mo kinuha ka pa ng driver dahil alam nya hindi mo
na kaya magdrive..sana kahit konting
ugali ni Deanna meron si Austin..sabi ng Mama ko

Laki nga lang pasalamat ko kahit hindi sya lalaki pero sobrang responsable hindi mo man lang nakitaan ng pagkapagod pagdating
gusto nya sya mag aasikaso sa amin
ni Japhet kahit andyan naman si
Lola at Dimdim..sabi ko nman kay Mama

Oo nga Nak sana lang ang negosyo na
binigay ko sa Ate mo mahawakan
nila ng maayos ng asawa nya..sa nakikita ko kay Austin parang wala
akong tiwala ayaw ko lang muna magsalita sa Ate mo baka sumama
pa loob..sabi ni Mama

Bakit Ma anu ba nakikita nyo sa kanya kasi kayo ang nakakasama
sa loob ng bahay

Hay naku ang hirap na lang magsalita
pero ako ang nahihirapan sa sitwasyon ng Ate mo..naisip ko tuloy
baka mas malala pa ng nasa singapore sila hindi lang nagkukuwento ang Ate mo..pagdating sa bahay tulog agad gigisingin na lang
ng Ate mo para kumain..akala mo
sya nagkakargador sa palengke
sabi nga ni Kring naabutan nya daw isang beses don sa tindahan tulog
sa loob ng bodega..kuwento ni Mama

Hayaan mo na lang muna sila Ma wag na muna natin silang pakiki
alaman pag hiningi ni Ate ang
opinyon natin saka na lang tayo
magsasalita

Parang gusto ko nga Nak pagtapos ng
kasal ni Kring at dadalhin na sya ng
asawa nya sa singapore gusto ko ng
lumipat sa inyo pati bahay ipaubaya
ko na sa pamilya ng Ate mo para mamuhay  na sila lang hindi ko
kaya makisama na dyan sa bayaw mo
kahit palayasin ko sila wala naman
silang mapupuntahan wala naman sariling bahay si Austin pag umupa
naman sila baka hindi na makapag
aral ang mga pamangkin mo..naawa naman ako kay Mama

Ok lang naman Ma na dito ka sa amin mas gusto ko nga yon kaya
lang ang swerte naman ni Kuya Austin nagkaron sya ng sariling
bahay at negosyo na walang
kahirap hirap..hindi kaya lalo natin kinukunsinti ang pagiging tamad
nya kasi lahat binigay ng libre

Ewan ko nak hindi ko na alam gagawin dyan sa asawa ng Ate mo..

Kinuwento ko naman kay Deanna
ang napag usapan namin ni Mama
gusto nya agad palipatin si Mama
sa amin kasi matanda na daw si Mama dapat daw hindi nya na
iniintindi ang mga ganyang bagay
dapat daw nag eenjoy na lang sya
kasi may mga sariling buhay na
ang mga anak nya..

Alam mo love sa atin walang problema..problema natin ang pamilya ng Ate mo..pero hanggat hindi naman sila humihingi ng tulong
sa atin wag na natin silang pakiki
alaman wag mo muna istress yang sarili mo sa pamilya ng Ate mo kasi
bawal sa buntis pero ang makikipag makelove hindi bawal love..hirit pa
nya

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now