Part 23

1.4K 75 5
                                    

Nagising ako isang umaga hinahanap
ko si Lola..

Ate Thelma asan po si Lola..

Parang lumabas ng gate Deanns

Kaya sinilip ko sya sa labas nakita ko na lang kalalabas nya lang galing sa loob ng kotse na madalas nakapark
sa harap..anu na ba ang nangyari
simula ng malaman ni Lola ang nag
mamay ari ng kotse na yan nawewerduhan na ako sa mga kilos
nya..dati pag baba namin ni Jema galing sa kwarto nag aantay na sya para mag almusal kami..pero ngayon madalas galing sya sa labas,tapos nung isang araw seryoso pinag usapan nila ni tita Fely tapos paglapit namin
ni Jema bigla sila nghiwalay..

Sinubukan ko naman hanapin ang
pangalang EVELYN DIVINAGRACIA
sa social media wala naman akong makita..masyadong mesteryoso sa akin ang babaeng yan..

Walang pasok kaya inunahan ko si Lola na gumising para abangan ang kotse na madalas ko nakikita..sabay kami ni Jema lumabas para puntahan din si Japhet..

Tamang tama paglabas namin andito na naman ang kotse kaya agad kong
nilapitan..pero bago ako nakalapit
lumabas ang babae pati si Jema napahinto para makita ang itsura ng
babae..

Oh my gad love magkamukha kayo..gulat na sabi ni Jema

Pati ako nagulat nakikita ko ang sarili
ko sa kanya..natulala ako hindi ko alam ang sasabihin ko..sya ba si Evelyn Divinagracia..kinalabit ako ni Jema

Excuse me Mam..may kailangan po ba kayo sa amin kasi madalas po kayo andito tapos nakita ko minsan
lumabas si Lola galing dyan sa loob
ng sasakyan nyo..Hindi pa ako tapos magsalita lumabas naman si Lola

Apo tinutulungan ko lang sya para mabili nya na ang lupa..ito yong bakante..nagpapasama sya kay kapitan para alamin kung sino ang may ari ng lupa na to..sige na apo puntahan nyo na si Japhet...paliwanag ni Lola

Napilitan nalang kami ni Jema pumasok sa loob nila..naabutan naman namin nag aalmusal sila ni Tita Fely..

Tamang tama mag almusal na kayo..alok sa amin ni Tita Fely

Ma yong kotse na laging nakatambay dyan sa labas pag umaga nakita na namin ang itsura ng babae Ma kamukhang kamukha ni Deanna pati ang pangangatawan
mas matangkad  lang si Deanna sa kanya ng konti..kuwento ni Jema kay Tita Fely

Pero si Tita Fely parang relax lang habang nagkukuwento si Jema

Kilala nyo ba anung pangalan ng babae..Tanung ni Tita Fely

Nung pinacheck namin sa LTO
Evelyn Divinagracia  ang pangalan ng may ari ng sasakyan..

Ah ok alam na ba ng Lola mo Deanna ang tungkol dyan sa taong yan..tanung ulit ni Tita Fely

Opo ilang beses ko na nga nakitang magkausap sila sabi nya tinutulungan nya daw mabili yong bakanteng lupa dyan sa harap..ngayon nga sasamahan nya daw pumunta sa barangay kakausapin nila si kapitan..sagot ko din kay tita Fely

Ganun ba..sige maiwan ko na kayo
bahala na kayo kay Japhet aalis na kami ni Kring..paalam ni Tita Fely mukhang umiiwas..

Naisipan ko muna bumalik sa bahay

Love uwi muna ako..ilabas ko lang yong bike ni Japhet pupunta tayo sa park..

Nasa gate pa lang ako narinig ko na ang boses ni Lola kaya nagdahan dahan ako para hindi nya mapansin
saka huminto ng marinig ko ang pangalan ko..may kausap pala sya
sa telepono..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now