Bud gala tayo nila Japhet mula ng pinanganak yan hindi pa nakagala
nakakainip naman dito..para maiba
naman..yaya ko kay JemaSan naman tayo pupunta..bat kasi hindi ka pa maghanap ng trabahu para hindi ka mainip..kunsabagay kahit hindi ka magtrabahu nag iisang taga pagmana ka lang naman ng ari arian ng magulang mo..sagot naman nya sa akin
Oy hindi ah magtatrabahu din ako pag totally makalimutan ko na si Yumi..sabi ko sa kanya
bakit hanggang ngayon ba love mo pa din sya?tanung nya sa akin
Meron pa pero hindi na gaanu kasi siguro nasanay na ako na wala na sya sa tabi ko..wag na kasi natin sya pag usapan ikaw kasi pinaalala mo..sige na punta tayo mall bibili ako sapatos luma na kasi ang rubber ko na ginagamit pag nagbasketball kami..yaya ko ulit sa kanya
Sige pero dadalhin natin stroller bigat kasi ni Japhet..sagot nya
Habang umiikot kami dito sa mall
hindi maiwasang may mga matang
mapanuri ang tumitingin sa amin
habang tulak ko kasi ang stroller nakahawak naman sa braso ko si Jema
napapansin ko din na biglang bitaw si Jema pag napansin nya may nakatingin sa amin..ibang iba sya kay Yumi pag may tumitingin sa amin pag namamasyal
kami lalo nya ako niyayakap..sabay
bulong inggit lang kayo..Kunsabagay wala naman kaming relasyon ni Jema para maoffend ako
sa ganitong gesture nya nahiya lang sya siguro mapagkamalan na mag
dyowa kami or nahiya sya na nagkaron sya ng dyowa na tibo..Dahil nahalata ko na nahiya sya mapagkamalan kaming magdyowa
nauna ako maglakad sa kanya habang tulak ang stroller ni Japhet..Hoy ang bilis mo naman maglakad..
sita nya sa akinPaanu kasi ang bagal mo naman paanu tayo makadami ng iikotan kung ganyan ka kabagal maglakad..sagot ko naman sa kanya
Napapagod na kasi ako at nagugutom na din parang wala ka naman balak pakainin ako nagyaya ka tapos gugutumin mo lang pala ako..pagmamaktol nya
Sige hanap muna tayo makakainan para makapgpahinga ka din nakakahiya syo ganun pa lang nilakad natin pagod ka agad..sabi ko sa kanya
sige kung ayaw mo wag na lang..halika na bilhin na natin ang hinahanap mo na rubber tapos uwi na tayo..bilisan mo na..pagmamaktol nunber 2
Ito naman nagjjoke lang naman ako ang pikon mo..sige na bud sori na halika na nagugutom na din ako..anu magririce ka ba..gusto mo kenny roger na lang tayo..pag amo ko sa kanya
Habang nag aantay kami ng order namin kinuha ko naman si Japhet sa stroller tapos pinapatayo ko sya sa lap ko..manghang mangha naman ang itsura nya habang iniikot ang mata nya sa paligid
Tingnan mo bud si japhet tuwang tuwa parang ngayon lang nakakita ng madaming tao sa paligid..tawag ko sa kanya
Kawawa naman ang baby ko ngayon lang kasi nakalabas..bigat mo kasi kaya tinatamad ako ipasyal ka buti na lang naisipan ng nangnong mo na isama tayo..sabi nya naman
Kitam bipolar talaga kanina lang galit ngayon naman sinsisi ako bakit ngyon lang sya niyaya
Napagod na din kami sa kakaikot nakatulog na si Japhet kaya nagpasya na kami ni Jema umuwi..
Bud ayaw mo ba kumain muna tayo
para pag uwi derecho na kayo pahinga ni baby..yaya ko sa kanyaSige wag na rice mabigat sa tyan..pasta ok lang..sagot nya naman