Part 4

1.3K 60 5
                                    

Natuloy kaming magkakaibigan sa siargao hindi ko na sinama si yumi ayaw ko may aalagaan pa ako habang nagbabakasyon..maswerte si Rex kasama syota nya..bago pala kami pumunta dito sinagot na sya ..nakadale ang loko ganda ng syota si Rachell ann part time model bagay lang sila parehong matangkad...ok na din to mukhang wala naman syang pag asa kay Jema

Super enjoy kami bar hopping sa gabi,island hopping sa araw at surfing..sa loob ng limang araw namin sa siargao hindi ko alam kung makilala pa kami dahil ibang iba na ang kulay ng balat namin..

Last night na namin sa siargao kaya nagkasundo kami na hindi na kami magbarhopping dito na lang kami sa terrace ng bahay na narentahan namin mag inuman at kwentuhan..naalala naman namin ang mga nagyari  nung kabataan namin at biglang naalala namin si Jema..

naalala nyo dati si Jema hinahanap pa tayo kung san tayo naglalaro tapos sabi nya sasali daw sya pero  ang ginawa natin nag iba tayo ng laro nagbasketball tayo dahil sa galit nya sa atin wala syang mapagbuntunan sa galit nya binasag nya yong batman mong laruan bud kakapadala pa lng ng Mommy mo galing canada kaya sa galit mo susuntukin...hindi pa natapos ni Isaac ikwento sumagot naman si Kevin

oo tapos susuntukin nya sana si Jema naunahan sya hablot sa buhok kaya nasabunutan sya ni Jema hindi sya makalaban dahil nung time na yon mas malaki sa kanya  si Jema kaya umuwi sya sabog sabog ang buhok

Bakit kayo anu ginawa sa inyo binato lang naman ni Jema si Rex sa nuo kaya umuwi din sya may bukol tapos napalo pa sya ng Mommy nya kasi akala pinatulan si Jema..sagot ko naman

Nakakamis din si Jema kasama wala na tayo tuloy mabubully sobrang pikon kasi at taray ng babae na yon pero buntot naman ng buntot sa atin kaya lang nung bata yon madalas mapalo ng papa nya naalala ko nun sumama maligo sa atin sa ulan ng maabutan ng papa nya kahit sa labas hinataw agad ng payong sama kasi ugali ng papa nun..hindi kaya sya din ang dahilan bakit lumayo sa atin si Jema..sabat naman ni Rex

oo nga kasi ang babaw naman ng dahilan nya dahil lang sinabi ni Rex na mahal sya  parang bigla na lang lumayo hindi man lang natin alam kung yon talaga ang dahilan..pero sa totoo lang buds mis ko na din talaga si Jema parang kapatid na din turing ko sa kanya yong bonding natin tapos pipili tayo ng kanta akala nya isa sa atin ang kakanta yon pala ang nakapila sa screen sya lahat ang kakanta gustong gusto nya naman ganda kasi boses nun..pero maiba ako parang alangan naman sya don sa boyfriend nyang mukhang galing munti ang ganda ganda ni Jema tapos yong korteng mangga lang ang mukha at madaming tatoo ang makatuluyan nya..sabat naman ni Kevin

Wag na lang natin sya ijudge malay mo din kahit ganun ang panlabas na anyo nun kung mabait naman o may ibang dahilan pa..kaya lang wala na bang pag asa na maging kabuddy natin yon kahit kakwentuhan lang...sabi din ni Isaac

Alam ko na  mga buds patayin natin si Mang Jess yan kasi ang mahigpit..kaya nga nilayasan ng 2 kapatid ni Jema yon dahil hindi kinaya ang ugali ng tatay nila nakwento kasi ni Papa yon minsan nagkausap sila ni tita fe sa barangay nung kumuha ng barangay clearance mama ni Jema..si papa kasi at si tita fe magkakabarkada din ng highschool sila kaya medyo pahapyaw na naglalabas ng sama ng loob tungkol kay mang jess..kuwento ni Rex

Napakatok tuloy kami sa upuan na kahoy dahil sa sinabi ni Rex na patayin si Mang Jess syempre alam naman namin na joke lang yon ipis nga takot kami kay Mang Jess pa kaya..kaya nagtawanan na lang kami..

Siguro kanina pa nadadapa si Jema at si Mang Jess kasi sila ang topic natin ngayon..Tawang sabi ni Isaac

oo nga baka nga buntis si Jema delikado pag nadapa yon...stop na tayo ok ibang topic naman para maubos na yon 2 liters nating coke..sagot ko naman sa kanila

Madami pa kaming napagkwentuhan tungkol sa mga nakaraan namin mga kalokohan namin nung mga teenager pa kami
sarap lang balik balikan ang mga nakaraan..

Nakaramdam na din kami ng antok kaya nagkakayayaan ng matulog...

Nasa airport na kami ng manila wala naman kaming maasahan na mag sundo sa amin kaya ng book na lang kami ng grab para makapamili kami dahil kung sa taxi hindi kami kasya isang subdivision lang naman ang uuwian namin..

bud tambay lang muna kami sa bahay nyo mamaya na lang kami uwi sa amin...sabi ni Isaac sa akin

Anu ba yan hindi ba kayo nagsasawa sa mga mukha natin isang linggo na nga tayo magkasama parang ayaw nyo pa maghiwahiwalay tayo..balak ko pa naman papuntahin si Yumi panira talaga kayo ng diskarte..sagot ko sa kanila

Sige na bud ayaw pa namin umuwi bukas ka na kasi umiskor matagal pa naman yata  ang dating ng asawa nyang hapon kaya marami pang time para umiskor kay yumi..sabat naman ni Kevin

May magagawa pa ba ako..panu ka Rex si Rachell...tanung ko naman kay Rex

Pwede makitulog muna bago ko hatid si Rachell pagamit muna ng guest room nyo..sagot naman ni Rex sa akin

Yon gagawin pang motel ang guest room namin naghihirap ka na ba magmotel na lang kayo kahit short time..kantyaw ko naman sa kanya

Wala din ako magagawa kundi pagbigyan ang mga gusto ng mga kabuddy ko..

Pag dating namin sa gate kanya kanyang babaan ang mga animal ako pa pala magbabayad sa grab..

walang hiya kayo makitambay pa kayo sa bahay ko..galing hindi kayo abusado..singhal ko sa kanila

Bigla naman kami kinalabit ni Isaac para tingnan ang gate nila ni Jema..

Bud bakit may itim na tela sa gate nila ni Jema..yan o parang 1 yard din ang laki nakadikit sa gate nila..

Nagkatinginan kami biglang sumabat ang girlfriend ni Rex na si Rachelle

Di ba yong mga ganyan may namatay sa pamilya nyo  symbolizes nagluluksa..

Walang nagsasalita sa amin kaya niyaya ko na silang pumasok sa loob namin..sayang nasa davao pa si Lola wala tuloy makabalita sa amin kung anung nangyari habang wala kami..

Hinanap ko agad si ate thelma ang kasambahay namin..

Ate Thelma bakit may itim na tela sa gate nila Jema may namatay ba silang kamag anak..tanung ko

Oo si Mang Jess at yong mapapangasawa daw ni Jema yong lalaking maraming tatoo naaksidente sila papuntang batangas si Aling Fe at si Jema nasa ospital pa sila ang nakaligtas..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now