Part 40

1.6K 58 7
                                    

Ginawa ko ang makapagpasaya kay Jema sa birthday nya..kaya kinausap
ko si Ate Michelle na kung maari
pumunta sila sa birthday ni Jema dahil
mis na mis na sya ni Jema pati mga anak nito..ganun din pala si Ate
Michelle gusto nya na din magkaayos
sila ng kapatid nya naghahanap lang sya ng tyempo..

Kitang kita ko ang saya sa mukha ni
Jema ng dumating ang mga pamangkin
ata kapatid nya..

Balik na sa dati ang lahat pinaalis ko
na din ang pader na nghahati sa bahay
namin at sa bahay ng magulang nila
ni Jema kaya malaya na maglabas pasok ang mga bata sa amin..

Napansin ko parang paulit ulit na lang ang ulam namin at madalas isang putahe lang samantalang 3 putahe lagi ang ulam dahil pag ayaw ni Japhet ng isa may pagpipilian sya ganun din pag breakfast madalas itlog at hotdog hindi na nagbabago..iniisip ko baka
kulang na ang binibigay ko na budget
dahil hindi maiwasan nagtataasan na
ang mga presyo..kaya naisipin ko tanungin si Jema..hindi ko naman
inaasahan ang sagot nya sa akin..

Binawasan nya pala ang pera na para
kay Japhet para ibigay sa Ate nya...
alam ko naman na kinakapos
si Ate dahil ang kinikita ng tindahan
don lahat nila kinukuha tuition ng mga bata mga bayarin sa tubig kuryente
at ilaw pagkain at pangsweldo sa tauhan at naintindihan ko yon kung
humingi man sila ng tulong pero ang
ilihim nya sa akin yan ang hindi ko
nagustuhan kaya pala tinitipid nya ang
pagkain sa bahay dahil unti unti nya
binabalik ang binawas nya sa pera ni
Japhet sa bangko sya mismo ang nagbibigay ng stress sa sarili nya..

Pwede nya naman sabihin sa akin hindi naman ako nagdadamot..kaya
nasigawan ko sya sa inis ko asawa nya
ako bakit pa sya mahihiya lalo na pgdating sa pera..tumutulong nga ako
sa hindi ko kaanu ano sa pamilya pa
kaya nya ako magdadamot..

Humingi naman sya sa akin ng sori
pero nainis talaga ako kaya hanggang
umalis ako kinabukasan hindi ko sya kinikibo..

Nasa office ako hindi naman ako mapakali nagsisi ako kung bakit
ko sya sinigawan at first time ko ginawa sa kanya yon..

Tinawagan ko sya na pasundo ko sila
mamaya sa driver magdidinner kami sa labas yayain ko na din si Mommy..
humingi na din ako ng pasensya sa
ginawa ko..

Habang nagdidinner ramdam ko naman na nagtatampo pa si Jema
kaya pinabayaan ko muna sya
inaasikaso ko na lang si Japhet kasi
kandong nya si Jad si Mommy naman
hindi na sumama sa amin kasi mag
kikita sila ng mga amiga nya..

Pagdating sa bahay saka ko inamo amo si Jema..

Love sori na nabigla lang ako alam
mo naman na ayaw ko pakialaman
ang pera na para kay Japhet at ayaw ko naglilihim ka sa akin lalo na kung gusto mo tumulong sa kapatid
mo sabihin mo sa akin ako ang bahala hindi naman ako nagrereklamo kahit anung oras sila
humingi ng tulong..tumulong nga ako sa ibang tao sa kapatid mo
pa kaya..

Payagan mo na lang ako magtrabahu
para hindi ka na maapektuhan pag
hihingi ng tulong si Ate..kasi nahihiya na ako..ok lang tumulong ka sa ibang
tao at least hindi mo sila kayang
sumbatan..baka magsawa ka sa kakatulong issumbat mo pa sa akin

Napakamot ako sa ulo sa sagot ni Jema sa akin kilala nya ako na kahit
kailan hindi ko ugaling manumbat
dahil tumutulong ako na walang
inaantay na kapalit..

Bakit yan ang iniisip mo..mag asawa tayo kung anung meron ako syo din yon..at alam mo na hindi ko ugali
ang manumbat..kahit nga gumawa
pa ng katarantaduhan ang bayaw
mo narinig mo ba ako na sinumbat
ang binibigay ko sa kanila..yong
kotse mo na binigay natin may
narinig ka ba ng malaman ko na benenta nila di ba wala bat ngayon
sinasabi mo na baka manumbat
ako..kilala mo ako Jema hindi ko ugali yan..ang sa akin lang dahil
mag asawa tayo..o kung tinuturing mo nga ba akong asawa sana paalam mo lang sa akin yan lang ang hinihingi ko mahirap ba gawin yon..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now