Part 35

1.5K 76 10
                                    

Binayaran nga lahat ni Deanna ang
utang ng tindahan at pinuno ng laman
pero hindi na naglalagay ng stock sa bodega ng tindahan kundi nagpagawa
na si Deanna ng bodega dito sa likod
ng bahay namin nag usap na sila ni Ate Mich na kukuha na lang dito pag konti
na lang nasa tindahan para mamonitor at hindi na mkakalusot si
kuya Austin para ibenta sa ibang tindahan..

Inaabangan nya pala ang delivery van para harangin at ibenta sa iba kaya
pala nabaon sila sa utang konti ang
pumapasok na stock pero malaki ang binabayaran hindi na kasi chenecheck ni ate Mich pinabayaan nya ang asawa
nya akala nya tumutulong magbuhat
hindi nya alam tumutulong lang pala para mangupit pati benta hindi nya pinapalampas kinupupitan nya din

Nahihiya na ako kay Deanna sobra sobra na ang tulong na binibigay sa pamilya ko..ayaw na din makialam ni
Kring dahil din kay Kuya Austin..

Kaya pala hindi na din sila makabalik sa singapore dahil bahay pati mga gamit naibenta na nila dahil pinangbayad sa ninakaw ni Kuya Austin sa pinagttrabahuan nya buti daw pumayag na bayaran na lang
kaya pati ipon ni Ate Mich naubos..

Nalulong si Kuya Austin sa sugal at babae kaya kasehodang magnakaw sya basta masunod ang bisyo nya..

Binigyan na din ni Ate Mich ang asawa
nya ng ultimatum na pag nagyari pa
ulit hihiwalayan na sya..

Kaya si Kring nanggagalaiti dapat daw
mga ganyang tao hindi na binibigyan
ng chance..

Hanggang kilan ka magtitiis sa asawa mo ate..pasalamat ka andyan si Deanna na sumalo sa problema na
gawa ng magaling mong asawa..galit na sabi ni Kring

Magdahan dahan ka Kring mas matanda pa din ako syo..nasabi mo
lang yan kasi wala ka pa mga anak
at asawa..sana lang kasing bait ni
Deanna ang magiging asawa mo..sagot naman ni ate Mich

Kung sakali man na maging kasing iresponsable ni Kuya Austin ang asawa ko hindi ako magpakamartyr
kagaya syo..pasalamat ka si Deanna
ang napangasawa ni Ate Jema paanu
kung lalaki ang napangasawa nya
oo may pera nga madamot naman
tutulungan ka nga pero babayaran mo..sagot din ni Kring kay Ate

Tama na yan wala naman mangyayari kung mag aaway kayo
nangyari na wala na tayong magagawa..sana lang Ate hindi na
maulit yan ako na kasi nahihiya kay
Deanna nagpapakahirap sya para
sa pamilya namin pati problema sa
pamilya natin sagot nya..pasalamat
na lang talaga ako na sya ang
nakatuluyan ko baka kung naging
lalaki ang napangasawa ko ewan
ko lang kung magagawa nya yong
ginagawa ni Deanna na wala ka
marinig na reklamo o panunumbat
nakita nyo naman kung paanu nya mahalin si Japhet kahit hindi nya
anak kaya hanggat maari ayaw ko abusuhin ang kabaitan nya..sabi ko
sa kanila

Alam ko naman yan Jem kaya nga last
chance na to ni Austin pag hindi pa sya tumino talagang hihiwalayan ko
na sya..nahihiya na din naman ako
kay Deanna..naiiyak na din si Ate

Sana lang Ate kasi pag nangyari pa
yon baka magsawa na si Deanna
saluhin ang kalat ng asawa mo..sagot naman ni Kring

Naisip ko tuloy kung sakaling si Cy ang nakatuluyan ko at may dumating na ganitong problema sa pamilya ko
magagawa kaya nya ang ginagawa ni
Deanna mas lalo si Cj baka pareho
din sila ni Kuya Austin dahil umpisa
pa lang ramdam ko na iba ang motibo
nya buti na lang hindi ako natuluyan
mahalin sya..iba talaga si Deanna
sa kanilang lahat..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now