Part 14

1.4K 78 6
                                    

Busy kami lahat dahil birthday ni Japhet..kami na ng mga barkada ang gumawa ng mga pabitin tumutulong pati pag ayos ng mga lamesa..si Jema naman kausap ang mga pinsan nya na lumuwas galing probinsya..

Dumating na din si Isaac kasama girlfriend nya kasama si Vanie..
beneso muna ako ni Vanie..saka umupo sa tabi ko habang naglalagay ako ng hangin sa maliliit na lobo..sakto naman lumabas si Jema..Kinalabit nya naman ako para pumasok muna pero ang mata nya kay Vanie nakatingin habang nag aayos si Vanie ng mga lobo

Pagpasok hinila agad ako sa kusina
kaya naisip ko na  naman asarin

Bakit love..dami pang tao mamaya na lang pag tayo na lang sa kwarto
mo ako hahalikan..

kaya nasampal na naman ako..

Epal..pwede ba lumayo layo ka kay Vanie!

Di ba ikaw din may sabi na pag andyan ang barkada magpretend tayo na magkatropa lang atsaka sya ang lumalapit hindi ako..

nsa ganung pag uusap kami naabutan ni Kring..

Nag aaway ba kayo?Ate dumating na sila tita hinahanap ka..

iniwanan ko na silang magkapatid lumabas na ako para tapusin ang
ginagawa ko..si Vanie na pala ang nagtuloy..

Nag umpisa na ang party nag umpisa na din ang sumpong ni Japhet hindi sanay sa ingay at maraming tao ang bata kaya iyak ng iyak..binaba ni Jema kasi nakakalakad na din pero gumagabay pa..ng makita ako lalo umiyak at gustong pumunta sa akin
kinuha ko kaya tumahimik..

Wow bud dadding daddy ang dati
biglang tumahan hinahanap talaga ang amoy mo..biro ni Rex

Epal alam mo naman ako lagi ang nakikita..kayo kasi bihira lang..sagot ko naman sa kanila

Sabi mo yan ah pero may naamoy akong iba..sabat naman ni Kevin

Isyu kayo no..sagot ko sa kanila

Nagtake over si Isaac sa hosting nagpalaro muna sya sa mga bata nagbigay pa sya nagcash sa mga bata
na mga nanalo malulutong na tigbebente..napagtripan nya din magpalaro sa mga matatanda daw na isip bata..kaya binigay ko muna si Japhet kay Jema kasi kasali kami at yong ibang kamag anak ni Jema..nagpakita pa si Isaac ng malulutong na tig 500 yon daw ang magiging price namin..kaya nagmamadali kaming sumali..akala mo mga wala kaming pera kung magtulakan..

Partner partner kaya takbo agad si Vanie para maging partner nya ako

Bagong bagong laro to para sa magpartner ang paper dance..sigaw ni Isaac

Kaya binato sya ni Kevin ng tissue

Syempre habang paliit ng paliit ang papel magkadikit kayo ng partner mo hanggang kailangan buhatin ang partner..nakalimutan ko na dyowa ko na pala si Jema kaya my time na kailangan ko yakapin si Vanie para magkasya kami sa papel..hanggang yong last kailangan ko sya buhatin puro kantyaw naman inabot namin lalo na si Rex na unang natanggal sila ng girlfriend nya..

Bud higpitan mo ang yakap kay Vanie baka bumagsak sige ka mamahalin mo pa yan..sigaw ni Rex

Talagang hindi kami nagpatinag ni Vanie nakahawak pa sya sa batok ko halos maghalikan na kami sa sobrang lapit ng mukha namin..kaya nanalo kami...

Walang hiya 50 lang pala ang price kaya batok at hampas ang inabot ni Isaac..

Walang hiya ka bud halos mabalian na ako ng buto sa sobrang bigat ni Vanie 50 lang pala ang ibibigay mo hindi pa kasya pambili ng 1.5 na coke..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now