Part 29

1.4K 67 14
                                    

Naging magkaibigan na nga lang kami
ni Jema...hindi kailangan magdemand ng oras ang bawat isa walang kang obligasyon mag update from to time
pero masaya kami sa ganitong set up

Minsan kasama na din namin sya mamasyal ni Japhet at sya pa ang
nagppresenta sumama..kahit wala
kaming label pero hindi maiwasan
wagas pa din magselos at mapanakit
pa din..malambing pa din sya sa akin
walang nagbago..kailangan lang namin maging stable emotionally
before i jump to the next level of our
relationship..

Sobrang saya ni Japhet  na natuloy ang
swimming party nya..nag aaway na sila ni Jema kasi kahit kakain na hindi
pa din umaahon kaya sa akin pinapasa
ni Jema pag ayaw sumunod sa kanya
pag ako naman ang makiusap wala
pa isang segundo sumusunod naman..
kaya itong isa pikon na pikon sa anak
nya..

Pati mga kabuddy namin sumama na din tuwang tuwa din ang kambal ni
Rex kahit pakampay kampay habang karga sila ni Rex sa pool..

Habang tinitingnan ko si Japhet na sobrang saya..iniisip ko sa sarili ko
na sobrang mahal ko na ang batang ito
hindi ko na kayang mabuhay wala si Japhet sa buhay ko..at nararamdaman
ko naman na ganun din si Japhet sa akin..

Mukhang malalim ang iniisip mo..
ilangoy mo na kaya yan..nakalapit na pala si Jema sa tabi ko

kaya may naisip akong kalokohan dahil nakasuot na din sya ng panligo
sinabay ko sya sa pagtalon alam ko din na marunong sya lumangoy..

Kaya pagbagsak sa tubig hampas at sabunot na naman ang inabot ko
dahil ginulat ko daw sya..para tumigil
niyakap ko sya para hindi na sya maka
hampas..bigla  naman kami napatingin banda kina Isaac dahil may
narinig kaming nagpatugtog..

Lahat pala sila nakatingin sa aming
dalawa pati si Kring kinantyawan pa ang Ate nya..si Jema naman parang nahiya nakayukong umahon at pinaghahampas ang mga boys damay
pati si Kring..

Dahil over night kami..napag usapan
naman namin ng barkada na uminom
ng beer kahit hindi kami sanay dahil
softdrinks at juice lang iniinom namin
pag nagbonding..

Kahit tigdalawa lang tayo pampaantok lang..yaya ni Rex

Sige order na lang tayo ng sisig..sa tabing dagat tayo maliwanag naman ang bwan..sabi ko naman sa kanila

Ayaw naman sumama sa amin ni Jema
kasi ayaw nya naman daw uminom at saka wala daw kasama si Japhet..kinuha ko kasi bawat isa ng room kasama pamilya nila..

Gumawa naman si Isaac at Kevin ng bonfire..

Bud anung planu nyo sa inyo ni Jema
tanung ni Kevin sa akin

Wala bud ok na kami sa ganitong
set up masaya naman kami..pag ilang araw kami hindi magkita
walang nagagalit o nagtatanung ng bakit ngayon ka lang o bakit hindi
ka nagtetext or aalamin kung nasaan ka..sagot ko sa kanya

Pero bud mahal nyo pa ang isa't isa di ba..paanu yan like pag mahal mo kasi
ang isang tao lalo na my past kayo
syempre hindi maiwasan na gusto mo makaron kayo ng intimate moment
hindi nyo na magagawa kasi parang magkaibigan na lang kayo..sabi ni Isaac

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now