Part 5

1.4K 63 2
                                    

Nagulat kaming lahat sa kuwento ni ate thelma tungkol sa pamilya ni Jema  na namatay daw si Mang jess at yong mapapangasawa ni Jema..imbis usapan tatambay muna kami lahat dito sa bahay bago sila mag uwian nagpanic kami kasi sabi si Jema at si tita fely nasa ospital pa kasi sila lang ang nakaligtas..hindi naman kumpleto kuwento ni Ate Thelma kasi sa kapitbahay nya lang din nabalitaan concern kami kay Jema kasi parang kapatid na din ang turing namin sa kanya at kay Tita fely na din..kaya para kumpleto ang ang balita pumunta kami sa bahay nila Rex para makausap namin ang daddy nya dahil sya ang kapitan ng barangay baka alam nya ang nagyari sa pamilya ni Jema..

Hindi ko din alam ang buong pangyayari ang alam ko lang papunta sila sa batangas ng nawalan daw ng preno sa kabilang lane ang isang kotse tumawid sa kabila at ang van daw na sinasakyan  ng pamilya ni Jema don sumalpok sa SLEX nangyari,ngayon daw nakaconfine sila sa asian hospital..kuwento ni tito Ricky daddy ni Rex

Kaya nagdecide kami lahat pumunta ng asian hospital..yong van na lang nila kevin ang ginamit namin para kasya kaming lahat..

Pagdating ng hospital ngtanung kami sa information kung san ang room nila Jema..kaya pinuntahan agad namin..sa labas pa lang nasalubong namin si ate michelle yong ate nya na nasa singapore na nakatira..

Ate Mich anung nangyari...sori ngayon lang namin nabalitaan  kasi kararating lang kasi namin galing siargao..sabi ko kay ate Mich

Ang kuwento ng kasambahay nagdecide daw si Papa na pumunta sila sa batangas para kausapin na ang mga magulang ni Cy para ipakasal na sila ni Jema dahil buntis na si Jema..ang sabi pa ni olive ang kasambahay namin sobrang naawa daw sila kay Jema dahil ayw daw talaga magpakasal ni Jema naririnig pa daw nila nagmamakaawa daw sya sa papa ko dahil  hindi nya daw talaga mahal si Cy nakailang sampal daw si Papa kay Jema natigil lang daw ng yumakap na si Cy kay Jema..kuwento ni Ate Mich

Madami pa syang kinwento sa amin na kahit kami hindi makapaniwala na magawa ng isang ama sa anak ang dinanas ni Jema kay mang Jess sobrang naawa kami kay Jema napakabait na anak ok lang sana kung matigas ulo o rebelde si Jema para gawin nya yon..kaya hindi maiwasan na mag isip kami na karma ang nagyari kay Mang Jess..

Habang nasa loob kami ng kwarto nakita namin ang mga sugat sa binti at braso ni Jema ang kuwento daw ng nakarescue sa kanila nakayakap daw si Mang Jess kay Jema kaya yong talsik lang ng bubog ang mga sugat ni Jema si Tita fely naman nsa icu pa medyo kritikal daw ang kundisyon..

Ate Mich di ba sabi mo buntis si Jema  ilang bwan na at ok ba daw yong bata sa tyan nya..Tanung ko kay ate Mich

two months pregnant daw si Jema..safe na daw kasi nkayakap si papa sa kanya nasa likod kasi silang tatlo nkaupo nila mama si Cy nsa front seat daw dahil may driver naman sila..naisip ko nakabawi si Papa sa mga kasalanan nya kay Jema..mangiyak ngiyak na kwento ni Ate Mich

Napatingin naman kami lahat ng makita namin si Jema gising na..
Lumapit agad kami sa kanya..

Bud kumusta ka na sori ngayon lang namin nalaman kasi nagbakasyon kami sa siargao..kaw kasi tinakwil mo na kami sana kung nakasama ka sa amin hindi mangyari to..medyo pinapagaan lang namin ang loob nya..

Oo nga bud iniisnab mo na kami hindi mo lang alam kung gaanu ka namin namimis wala na kami muse at singer at nabubully..sabat naman ni Isaac

Nakita na lang namin umiiyak si Jema kaya nataranta tuloy kami..

sori bud may nasabi ba kaming  masama..sori namis ka lang talaga namin..sabi ni Kevin

Hindi nyo lang alam kung gaanu ko din kayo namimis naiinggit nga ako pag nakita ko kayo magkakasama..saka ko na lang ikkuwento sa inyo pag makalabas na ako dito..nakalaya na ako..sabi ni Jema sa amin pero iyak pa din sya ng iyak

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now