Part 6

1.4K 67 8
                                    

Nakabalik na mga kapatid ko sa singapore..si Mama na lang muna ang nag aasikaso sa tindahan habang hindi pa nakauwi ang bunso namin may mga kasama naman syang mga tauhan..

Medyo malaki na ang tyan ko kaya inumpisahan ko na din ang mag walking tuwing umaga para hindi daw ako mahirapan manganak sabi ni Mama..pag lumabas ako ng bahay  hindi maiwasan na pag uusapan ako ng mga kapitbahay kesyo nakakaawa daw ako kasi hindi pa daw ako nakasal at nabuntis pa  nabyuda na agad kawawa daw ang anak ko walang makagisnang ama..ang mas masakit pa akala daw nila mahinhin ako hindi lumalabas ng bahay pero may nakatago daw na kalandian kasi hindi pa kasal nagpabuntis na..

Lahat yan hindi ko pinansin dahil hindi naman nila alam ang totoo at wala din akong obligasyon sa kanila para  mag explain..

Kaya ng ikwento ko sa mga kabuddy ko sinabihan nila ako na pag walang pasok  at kung libre sila sabayan nila ako magwalking dahil madalas naman sa umaga nasa covered court lang sila naglalaro ng basketball..

Madalas si Deanna ang kasama ko kasi kami lang ang magkalapit ng bahay minsan kasama nya din ang girlfriend nya si Yumi pag dito natutulog sa kanya..

Bud wag mo na lang pansinin ang mga tsismosa nating kapitbahay wala silang alam kundi manghusga..sabi ni Deanna sa akin kapag napadaan kami sa tindahan na maraming tao at pinagtitinginan ako

Oo naman hindi naman ako hihingi sa kanila para buhayin ang anak ko kaya wala din silang pakialam sa akin..sagot ko naman sa kanya

Jema ilang bwan na ba yan ang tyan mo parang lalaki  siguro anak mo kasi parang patulis ang hugis..tanung naman ni Yumi

Mag 5 months na...mga 7 mos.daw ang tamang time para mapaultrasound...ikaw buti hindi ka pa nagkaanak..sagot ko naman sa kanya

Ayaw pa ni Deanna magkaanak kami..pero seryoso hindi ko pa kaya magkaanak alam mo na ang sitwasyon ko..pag magkaanak ako mapipilitan ako umuwi sa Japan para don ipanganak ang bata..hindi ko kaya magkalayo kami ni Deanna..seryosong sabi ni Yumi

ang kumplikado din ng sitwasyon nyo
basta ako nakalaya na...kaya lang bud hanggang kilan naman  maging ganyan kayong  dalawa alam mo na yong nagtatago..sagot ko naman sa kanila

Hindi ko nga din alam..wala naman lihim na hindi matatago forever..mahal namin ang isa't isa pero napakakumplekado nga..malungkot na sagot ni Deanna

Gusto ko din hiwalayan ang hapon kaya lang wala naman akong dahilan kasi unang una mabait sya sa pamilya ko at sa akin din binibigay lahat ng luho ko malaki din utang na loob ko dahil sa ginawa nya sa pamilya ko lalo na nung namatay ang father ko  iniwan kaming walang wala sya lang ang sumagip sa amin..alam ko ko naman mahal nya ako..kaya lang wala talaga..malungkot din na sabi ni Yumi

Habang nakaupo kami dito sa park andaming namin napag usapan lalo na mga personal na bagay..

Yumi curious lang  ako panu pala pag andito ang hapon mo syempre hindi maiwasan na magsesex kayo dahil syempre ilang bwan wala sya dito alam mo na namimis ka..tanung ko naman sa kanya

Iniisip ko na lang si Deanna sya..alam ko naman obligasyon ko bilang asawa nya..pero pagkatapos pumapasok ako sa banyo lahat yon iniiyak ko habang nagsshower ako..yong nararamdam ko na diring diri ako sa sarili ko...mangiyak ngiyak pa habang nagsasalita si Yumi

Alam ko yan naramdaman ko din yan pagkatapos akong gamitin ni Cy buti na lang isang beses lang nagyari yon dahil hindi na ko pumayag na maulit pa..yon nga lang may nabuo agad pero pasalamat na din ako sigurado na ako na may kasama ako pagtanda kahit wala na akong asawa..sagot ko naman sa kanya..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now