Part 27

1.3K 56 14
                                    

Wala akong akong nakitang galit kay
Deanna ng malaman nya ang tungkol
sa amin ni Cj..

Walang panunumbat na marinig sa kanya..alam ko hindi sapat ang sori
pero wala akong magawa si Cj ang nasa tabi ko sa mga oras na kailangan ko sya

Madalas na din dito si Cj sa bahay
ang napapansin ko sa kanya pag andito sya sa bahay ang tanung nya lagi kung sino ang kasama ko..
napapansin ko din may pasok pero
bakit andito sya..

Cj wala ka bang pasok di ba engineer ka..tanung ko sa kanya

Nagresign na ako maliit kasi sweldo
sa status ko 25k lang..naghahanap
pa ako ng mas mataas na sahod hindi
naman ako basta basta na engineer no..pagyayabang na sagot nya

Bakit may category ba ang isang engineer gaya ng education my masteral may doctorate..tanung ko
sa kanya

Syempre madami na akong achievement no..hindi ko magets ang mga sinsabi nya

Di ba sa Dpwh ka at balita ko parents ni Kevin ang nagpapasok syo hindi ba nakakahiya sa mga nagrefer syo tapos magreresign ka
lang dahil sa sweldo..ganda naman
mga benifits sa gobyerno..sabi ko sa kanya

Hindi naman siguro best friend ko
naman si Kervie..sagot nya

Anung connect kung best friend mo si Kervie..tanung ko ulit sa kanya

Bat ba ang dami mong tanung..bakit nag alala ka na wala akong pang buhay syo pag naging mag asawa tayo
sori ha hindi ako kasing yaman ni Deanna..inis na sagot nya sa akin

Oh bakit napunta kay Deanna ang usapan..umuwi ka na nga muna sa
inyo madami pa ako gagawin..mamaya susunduin ko
pa si Japhet..utos ko sa kanya naiinis ako sa mga sagot nya

Pwede ba mahiram ang kotse mo mamaya may lakad lang ako..gulat ako sa sinabi nya

Hindi pwede binigay ni Deanna yan para panghatid sundo kay Japhet
kaya hindi ko pwedeng pagamit sa iba..sagot ko sa kanya

Deanna Deanna na naman kailan kaya wala sa buhay natin yan si Deanna..iritang sabi nya

Umuwi ka na Cj bago pa ako magalit syo at kahit kilan hindi ko papahiram sa iba ang sasakyan na yan..utos ko ulit sa kanya

Umalis na si Cj napaiyak ako bigla
naalala ko si Deanna malayong malayo sa ugali ni Deanna..namimis ko sya..

Parang unti unti bumabalik ang pagmamahal ko kay Deanna..ngayon ko naramdaman mahal ko pa pala sya..

Kararating ko lang sa bahay pagkahatid ko kay Japhet dumerecho
ako sa insurance company para bayaran ang insurance namin ni Japhet at yong educational na kinuha ko para
sa pag aaral nya..
Naabutan ko naman si Cj dito sa bahay
bat hindi kaya maghanap ng trabahu to dito lagi nakatambay tapos pag
naabutan ng lunch o minsan pati
dinner dito na din kulang na lang dalhin nya mga damit nya at tumira na dito..naiirita na ako makita ang pagmumukha nya..

Oh wala ka bang gagawin sa bahay nyo..madaming gawain pag sa loob
ka lang ng bahay..sita ko sa kanya

Bakit ayaw mo ba ako makita..hindi mo ba ako namimis..tanung nya sa akin

Panu kita mamimis eh araw araw dito ka nakababad kulang na lang
dalhin mo mga damit mo at tumira
dito..inis na sabi ko sa kanya

Syempre girlfriend kita kaya habang wala ako trabahu sinusulit ko na kasama ka..sabi sa akin

Iniwan ko muna sya sa sala pumasok
muna ako sa banyo..paglabas ko nasilip ko sya hinahalungkat ang dala
kong bag kaya uminit ang ulo ko dahil
bakit sya nakikialam sa personal
kung gamit..

HANGGANG KAILAN...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon