Part 26

1.3K 68 7
                                    

Dahil sa sobrang saya ko na may Mommy na ako na kasama sa araw araw parang nakalimutan ko na My Jema at Japhet sa buhay ko..iniisip
ko na lang na maintindihan ako ni Jema dahil ilang taon akong nasabik
sa presensya ng isang ina sa buhay ko..

Sobrang busy din ako mag aasikaso ng
mga papeles ng mga tao palabas ng bansa ako din ang pumupunta sa mga embassy kaya kahit personal kung cellphone hindi ko na nagagamit dahil cellphone ng agency ang madalas kung hawak pag dating ng gabi pagod na din ako sa maghapong pagttrabahu tapos
lagi si Mommy ang kausap ko bago matulog madalas nakatulugan ko na makikipagkwentuhan kay Mommy..

Planu ko bukas uuwi muna ako kay Jema mis ko na din sila ni Japhet..

Pag dating ko sa bahay sinabi ni ate thelma na dinala na daw ni Jema ang lahat ng gamit nya sa bahay nila
mahigit na daw isang bwan hindi natutulog si Jema sa bahay saka ko narealize na wala na pala akong time
kay Japhet at kay Jema kaya naisip ko
bumawi na lang sa kanila..kaya pinuntahan ko si Jema sa kanila dahil wala naman pasok si Japhet planu ko
ipapasyal sila..

Olive, si Jema at si Japhet..tanung ko kay Olive

Nasa park sila Deans kasama si Cj..sagot ni Olive

Medyo nagulat ako si Cj yong dating kaklase nya nung elementary yong pinakilala nya sa akin sa park yong engineer..

Madalas ba silang magkasama ni Cj..tanung ko ulit kay Olive

Oo boyfriend na sya ni Jema..di ba hiwalay na kayo kasi matagal na syang umuwi dito..sagot sa akin ni Olive

Sige olive thank you..Tumalikod na ko dahil ayaw ko ng makarinig pa naiiyak na ako sa narinig ko na boyfriend nya na si Cj

Naisipan ko pumunta ng park para makita sila..malayo pa lang ako nakita ko magkatabi silang nakaupo sa park
nakita naman ako ni Japhet habang nagbibike sya kaya napasigaw ang bata..nakita ko naman napalingon
sila pareho..

Dada i miss you ang tagal mo po dumating..sabay yakap sa akin ni Japhet ..napatayo naman si Jema at si Cj

Ramdam ko ang tension sa aming tatlo kaya yumakap na lang ulit ako kay
Japhet at sumagot..

Sori naging busy si Dada yaan mo dalaw dalawin na lang kita..pasensya na nakaistorbo yata ako sa inyo..sige baby sa ibang araw na lang kita ipapasyal ha alis na muna ako..sagot ko kay Japhet

Hindi pa ako nakakalayo humahabol
na si Japhet at umiiyak pati ako
hindi ko din mapigilang umiyak..
nakita ko na lang bitbit na ni Cj ang bike ni Japhet habang nakasunod silang dalawa sa amin ni Japhet..

Pagdating sa bahay inuto ko muna si Japhet na maligo muna..pumayag naman ang bata..pagpasok ni Japhet lumabas na din ako ni tingin hindi ko na sila tiningnan ni Jema derecho na akong lumabas..

Pagpasok ko sa bahay nag ayos naman ako ng mga dadalhin kung gamit balak
ko ng hindi na uuwi dito para hindi na
ako masyadong masaktan kung hindi
ko na sila ni Jema makikita dahil may
iba na palang syang mahal..masakit
sobra ang nararamdaman ko hindi ko
naman sya masisi bigla ako nawala
kahit text or tawag sa kanila para kamustahin hindi ko nagawa kaya
wala akong karapatan magalit kay Jema dahil alam ko na ako din may kasalanan siguro si Cj ang nagpuno ng atensyon habang wala ako kaya nahulog ang loob nya dito..

Binaba ko muna ang mga gamit ko para ilagay sa kotse ayaw ko na maabutan ako ni Japhet baka magkaiyakan lang kami mas maganda na kusa nya na lang ako makalimutan
pag hindi nya na ako makita ng matagal..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now