Part 3

1.5K 61 1
                                    

Talikod pa lang alam ko na..napatakbo ako at yumakap sa kanya si Yumi ko andito na parang hindi ako makakapaniwala na andito na sya..

Babe anu nagyari bakit biglang hindi kita makontak..tanung ko sa kanya

Babe namatay ang Daddy ko 3 bwan after kami dumating sa japan kaya pala kami na ang pinauwi nya sa japan dahil maysakit na pala sya may cancer na pala...babe napilitan ako mag asawa walang wala na kami bago kami umuwi ng japan naubos na ang kabuhayan ng daddy ko dahil sa gastos sa ospital ang napangasawa ko ang gumastos lahat ng namatay si daddy yon din ang time na pinutol ko na lahat ng communication natin..nakiusap si Mommy sa akin ang pagpapakasal kay yuki ang magsasalba sa amin..babe mahal kita mahal na mahal..hindi ko kayang mawala ka pls.tuloy natin to every six month uuwi dito ang asawa ko..pag wala sya babe ikaw ang gusto ko makasama..paliwanag sa akin ni yumi

Parang nasabugan ako ng bomba sa tenga sa mga narinig ko kay yumi..may asawa na sya tapos gusto nya ako maging kabit anu yon pag wala ang asawa nya ako ang katabi nya pag andito naman exit muna ako..kakayanin ko ba ng ganitong sitwasyon mahal ko sya..

Babe pag isipan ko muna mahal kita pero ang magiging kabit parang hindi kaya ng konsensya na niloloko natin ang asawa mo..saan ka ngayon tumutuloy,kasama mo ba din Mommy mo bumalik dito sa pilipinas?tanung ko sa kanya

Binili ako ng asawa ko ng condo bago kami bumalik dito tapos sila mommy binigyan nya ng kabuhayan binili nya si Mommy ng taniman ng palay at maisan sa nueva ecija kaya sa probinsya sila ni Mommy ako dito sa condo..babe mis na kita pwede ba dito na muna ako matutulog syo..pakiusap nya sa akin

Nasaan ba asawa mo..mamaya may makakaalam na dito ka sa akin matutulog malalagot ka ..sabi ko sa kanya

wala ang asawa ko bumalik na ng japan kahapon,wag ka mag alala babe alam ni mommy lahat to naawa nga din sya syo kasi nga wala talaga kaming choice kaya alam nya na ikaw ang mahal ko..kaya hinayaan nya ako..pumayag na din ako sobrang namis ko din sya..

Kinabukasan sabay kaming lumabas ni yumi ihatid ko muna sya sa condo nya  saka ako papasok sa trabahu..paglabas ng gate nakita ko na naman ang lalaking maraming tatoo kasama si Jema parang totoo nga na buntis si Jema parang tumaba sya inalalayan pa sya ng lalaki habang pababa sya ng kotse nagkatinginan pa kaming dalawa..ako ang unang nag alis ng tingin sa kanya pinagbuksan ko naman si yumi ng kotse bago ako umikot sa drivers seat..

Naging kabit nga ako ni yumi ako kasama nya pag nasa japan ang asawa nya minsan dito sya sa bahay natutulog minsan ako naman ang nasa condo nya..mahal ko sya kaya kahit anu pa ang sabihin ng mga barkada ko balewala sa akin ang mga paalala nila...

Bud panindigan mo na talaga ang pagiging kabit mo..tanung sa akin ni Kevin

Mahal ko sya hindi ko sya kayang hiwalayan mahal na mahal ko..sagot ko sa kanila

Hindi ka ba nandidiri bud pag andito ang hapon sya ang sumasawsaw kay yumi pag wala ikaw naman..kilan ka kaya magising bud..madaming babae walang sabit bud sa mga katrabahu bat hindi mo subukan magmahal ng iba..nakakatakot ang ginagawa mo baka maharakiri ka nyan..sabat naman ni Isaac

naisip ko na din yan bud pero wala talaga mahal ko sya hindi ko na iniisip na may asawa sya basta pag magkasama kami walang pagbabago parang kagaya lang ng dati na magsyota kami..hayaan nyo muna ako bud enjoy ko muna to..bud maiba ako nakita ko nung isang araw si Jema parang buntis nga sya tumaba eh kasama nya yong xconvict nyang boyfriend..kuwento ko sa kanya

Sabay tingin kami kay Rex..

Oh ako na naman nakita nyo wag kayong mag alala nakalimutan ko na sya...at nakalimutan ko ikwento sa inyo nagkita kami sa isang restaurant kumakain sila ng xconvict nyang boyfriend ng pumasok kami ng kadate ko..don ko na naramdaman na move on na nga ako sa kanya tumingin sya sa akin nginitian ko pero yumuko lang sya..kuwento ni Rex

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now