Part 15

1.5K 75 5
                                    

Dahil ako ang ang may gusto sa ganitong set up namin ni Deanna
pag may bonding kami ng magkakaibigan at kasama si Vanie
tinitiis ko na lang na makita si Deanna na nilalandi ni Vanie halata naman na may gusto si Vanie kay Deanna..pero itong itong
isa parang gustong gusto pa nya na
ang paglalandi ni Vanie sa kanya..

Pag pinagsabihan ko naman pag kami na lang binabalik nya sa akin na ako ang may gusto sa ganitong set up magtiis daw ako..

Wala na akong magagawa yon na nga lang ang ginagawa ko pag hindi ko na matiis umuuwi na lang ako at iniiyak na lang ang lahat..

Niyaya ko si Deanna samahan ako
sa mall ibibili ko si Japhet ng mga pambahay na damit lumalaki na sya kaya masikip na ang ibang damit..

Pag dating sa loob habang tulak tulak nya yong stroller nakahawak naman ako sa braso nya pag may tumitingin sa amin bigla ako bumibitaw..buti hindi naman nakahalata si Deanna..

Habang namimili ako ng mga damit pambata nawala naman sa paningin ko si Deanna at Japhet kaya tumigil muna ako at tumingin sa paligid..nakita ko na lang may kausap si Deanna na babae na nasa late 40's siguro ang edad at may kasamang teenager na babae
tinitingnan ko lang sila parang nagpaalam na din ang kausap nya pero bago umalis yumakap muna sila kay Deanna..

Love sino kausap mo kanina?

Kakilala ko lang..tipid na sagot nya
nahalata ko lang simula ng nakausap nya yon tahimik lang sya..hanggang nagyaya syang kumain nagugutom na daw sya..

Sya na ang omorder habang inaantay ko sya dito sa table..bigla naman ako nagulat ng may tumampal sa braso ko..

Jemalyn!kumusta ka na bat hindi ka na nagpakita sa amin pagtapos mo magresign..sigaw ni Ced kaclose ko dati sa call center..
Oy anak mo may asawa ka na pala..hindi ka man lang nag imbita

Habang kausap ko  si Ced dumating naman si Deanna may hawak na tray ng pagkain namin...

Likas na madaldal si Ced hindi pa makuntento nakiupo pa sa table
namin..nag excuse naman si Deanna para ilapag ang pagkain galing sa tray..

Oy girl anu na hindi mo pa sinagot ang tanung ko..

Wala na akong asawa bago kami ikasal namatay na sya sa aksidente..

Ay ang sad naman..sobrang sakit nun girl biro mo ikakasal na lang kayo kinuha sya agad hindi pa kayo nakabuo ng pamilya..buti nagkaron ka ng remembrance  ok na din yon girl at least may anak ka na..sino naman kasama mo dyowa mo?

Nabigla ako sa tanung ni Ced bat parang alam nya na hindi straight si Deanna..

Hindi ah barkada ko lang..kain ka na ito marami naman kaming order..

Ok lang kain lang kayo inaantay ko pa naman ang dyowa ko papunta na dito kakain din kami..ang papi naman ng kasama mo anu pangalan nya..

Oo nga pala sa gutom ko nakalimutan ko pakilala syo..si Deanna nga pala..Si Ced dati ko kasama sa call center

Hi Deanna ang papi mo may dyowa ka na?

Wala pa certified single..sagot ni Deanna Parang nasaktan naman ako sa sinabi nya na single sya eh anu nya ako..

Sayang may dyowa na ako pareho mo din sya pero mas papi ka..hindi pa nakatapos magsalita ni Ced may dumating naman na maigsi ang buhok at kinalabit si Ced..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now