Part 8

1.3K 72 3
                                    

Napikon yata si Jema sa biro ko..bigla nagpaalam tapos hindi na kumibo..Hay Jema Galanza may anak na hanggang ngayon pikon pa din..

Sinamahan na din ako ng mga kaibigan ko para puntahan ang condo ni Yumi..pero bago kami pumasok hinarang kami ng guard kasi wala daw sticker ng building ang sasakyan namin kaya nakikipag usap muna ako sa guard dahil sa pangalan na binanggit ko na pupuntahan namin inendorse kami sa head security ng condo..

Dito namin  nalaman sila pala ang tumawag sa Lola ko at sila din ang nagdala sa akin sa ospital..

Nakita daw nila ang Id ko sa wallet dahil tinurn over daw ng mag asawang hapon ang sling bag na pag aari ko kaya don nila nakita ang id ko na may cellphone ng Lola ko na in case of emergency sya ang tatawagan..

Pinalabas pala ng hapon na nagtangka ako pagnakawan sila kaya binugbog daw ako..sinabihan daw ng mga guard kung magsampa sila ng reklamo pero nag makaawa daw ang asawa ng hapon na wag na at dalhin na lang daw ako sa ospital..

Tinanung naman ng mga kaibigan ko kung nasaan na ang mag asawang hapon ang sabi 1wk na daw umuwi na yata ng Japan at for sale na daw ang condo unit na pag aari nila..

Nanlumo ako sa nalaman ko hanggang pag hatid nila sa bahay walang tigil ang iyak ko dahil wala na akong pag asa na magkita pa kami ni Yumi...

Yakap ng Lola ko ang sumalubong sa akin na lalo ako napahagulgol ng iyak..

Apo tama na masakit din sa akin na nakikita ka nagkakaganyan
magbakasyon ka kaya muna sa canada sabihan ko Mommy at Daddy mo para malayo ka sa mga alaala ni Yumi para mabilis mo din syang makalimutan..

Ayaw ko po dito lang ako baka biglang uuwi si Yumi at hindi kami magkita pag umalis ako..

Bud akala ko ba nagkasundo na tayo na kalimutan mo na sya at tutulungan ka namin bud..wag mong gawin mundo si Yumi..marami pa kaming nagmamahal syo hindi lang si Yumi..sabi ni Rex

Hindi nyo pa kasi naranasan ang pinagdaanan ko ngayon kaya madali lang sa inyo na sabihin yan na kalimutan sya..

Ayaw naman namin na pagdaanan ang yan bud ang maging kabit dahil talagang malaking problema di bale mabasted kami wag lang kami maging kabit..sabat naman ni Isaac

kaya sinigawan ko sila dahil sa sinabi ni Isaac..

Hindi ako kabit ako ang mahal ni Yumi napilitan lang sya magpakasal dahil sa sitwasyon pero ako ang mahal nya babalikan nya ako para ituloy ang relasyon namin..

Wala akong pinakinggan sa kanila umakyat ako saka naglock ng kwarto..

Ilang araw din ako nagkulong bumababa lang ako para kumain..

Tinawagan na ako ng company na pinagttrabahuan ko na pag hindi pa ako magreport kinabukasan awol na daw ako pero sinagot ko wala na akong pakialam..

Si Yumi lang ang kailangan ko...

Pagkatapos kung kumain ng hapunan ng makita ko si Lola na pumasok ng kwarto kinuha ko ang susi ng kotse at umalis ako pumunta ako ng bar gusto ko ilabas ang sakit na nararamdaman ko..dahil hindi naman ako sanay uminom nakatatlong bote pa lang ng san mig lights at sinabayan ko na din ng sigarilyo nung una inuubo pa ako hanggang ilang hitit lang nasanay na ako nakaramdam na ako ng antok..

Namalayan ko na lang may kumakalabit na sa akin na waiter ginawa ko binigay ko na lang ang wallet ko saka yumuko ulit sa lamesa para matulog..

Kinabukasan nagising na lang ako nasa kwarto na ako at nakabihis na ng pantulog..

Kahit lulugo lugo bumangon ako para tanungin si Lola kung sino ang nag uwi sa akin dahil ang naalala ko nakatulog ako sa lamesa..

La sino po nag uwi sa akin?

HANGGANG KAILAN...Où les histoires vivent. Découvrez maintenant