Part 33

1.4K 66 10
                                    

Araw araw kaming kasama sa office ni Deanna si Japhet naman
minsan pinapasama ko sa store
kay Kring pag nasa bahay naman kami sa garden lang sila nglalaro kasama mga anak ni Ate Mich
bihira na din ako pumupunta
sa bahay namin kung hindi kasama si Deanna...kaya napuna
ito ni Ate na parang umiiwas ako
sa kanila..

Jema pansin ko wag mo masamain
ha pero simula nagpakasal kayo ni
Deanna halos hindi ka na pumupunta
sa atin..tapos sinasama pa kayo ni
Japhet sa office nya..anu yon ayaw na
ba ni Deanna na maglalapit ka sa amin...nagpakasal lang kayo parang
lumayo naman ang loob mo sa amin

Hindi naman te nagpapatulong lang
sya kasi minsan lumalabas sya
pagbalik nya tambak ang papeles
kaya sabi nya habang nsa field sya
may gagawa ng trabahu nya kaya
ok lang din para malibang naman
ako kaysa maghapon ako nag aantay sa pag uwi nya..

Wow bilib na talaga ako sa iyo sis
masyado ka sunud sunuran sa gusto ng asawa mo..oo sabihin natin na sya
ang bumubuhay sa inyo natural lang
yan kasi sya ang tumatayong ama ng
tahanan pero lahat ng gusto nya oo
ka lang ng oo..

Ate masaya ako sa ginagawa ko hindi ako napipilitan dahil lang
sa gusto ni Deanna..masaya ako na
tinutulungan ko si Deanna sa business nila ng Mommy nya..

Sinabi mo eh..hindi kaya magkakasawaan na kayo nyan 24hrs
hindi kayo naghihiwalay...hindi ba kayo nauumay sa isa't isa

Hindi naman 24hrs Te minsan pagdating namin sa office lalabas din agad si Deanna babalik sya lapit na uwian..kami lang madalas ni
Mommy belen ang magkausap..

Sige kung san ka masaya sino ba kami
kontrahin ang gusto mo..

Te kilan balik nyo ng singapore
aantayin nyo ba ang pamamanhikan ng boyfriend ni Kring..

Hindi na kami babalik ng singapore
si Austin kasi wala ng babalikan na trabahu tapos si Kring sasama yata kay Shaun pagbalik ng singapore kaya
kami na lang ang tutulong kay Mama
balak na din ni Mama sa amin na ibigay ang negosyo kasi gusto nya sa
bahay na lang sya napapagod na din
naman daw sya..syempre mula pa ng
bata tayo yan na ang ginagawa nila ni
papa..

Hindi ko alam yon na yan pala ang planu ni Mama..sana lang Te tutulungan ka naman ng asawa mo
para hindi masayang ang negosyo na binuo ng mga magulang natin

Anu ibig mong sabihin na hind mo alam ang planu ni Mama bakit kailangan pa ba ipaalam syo mayaman ang napangasawa mo kaya
wag ka na makiparte sa negosyo natin

Hala si Ate binigyan naman ng masamang kahulugan ang sinabi ko..ang sa akin lang naman hindi
nakuwento ni Mama..ok na Te pasensya na  namali lang ako magdeliver ng word..

Hindi na pala  babalik sila Ate sa
singapore..sigurado worried na
naman si Deanna dahil hindi na aalis ang bayaw ko..

Kinuwento ko kay Deanna ang napag usapan namin ni Ate pati ang negosyo na  ipaubaya na ni
Mama sa kanila..

Naku ibig sabihin hindi na pala
malalayo sa landas natin ang manyakis mong bayaw..naku Love
karerin  mo na lang ang pagtatrabhu sa office namin ni Mommy..aalis din
kasi si Mommy pupunta ng dubai
dahil meron yatang tao under sa agency na minaltrato ng amo kaya aalis din sya..

Yan nga din sana ang sasabihin ko
naunahan mo lang ako..ang problema lang love pag may pasok
sinu mag aasikaso kay Japhet..

HANGGANG KAILAN...Where stories live. Discover now