Chapter 1

1.3K 37 20
                                    

"I still remember, third of December, me in your sweater~"

Inis kong pinatay ang alarm sa phone ko. Kahit favorite song ko pa ang sound, inistorbo pa rin n'ya ang beauty rest ko. Gosh.

At dahil ramdam ko na ang sikat ng araw mula sa bintana ko ay unti-unti kong minulat ang aking mga mata dahil baka masinag ako, saka ako nag-unat.

Haiiiiisst. Panibagong araw, panibagong gala na naman.

Speaking of gala, tinignan ko ang orasan sa side table ko and bigla akong napabangon nang makita kong 10:30 na ng umaga. Shet! 11AM yung usapan namin ni Angela.

Hindi ko na nagawa pang tignan ang itsura ko sa salamin ay dali-dali na akong pumasok sa banyo at naligo.

Patay ako neto, mahigit isang oras pa naman akong maligo. Kung tatanungin n'yo lang naman ako kung bakit sobrang tagal well, nagpapatugtog pa kase ako at pasayaw-sayaw ng mga dance parody sa tiktok.

Ayaw ko namang masermonan na naman mamaya sa mala-nanay kong beshy kaya binilisan ko na ang pagligo. Ni hindi na ako gumamit ng bath tub pa, tamang shower nalang.

Paglabas ko ay dumiretso ako sa walking closet ko. I just choose to wear my favorite denim casual chic style dahil sa bahay lang naman nila ako pupunta.

Ipapakilala raw kase n'ya ako sa dalawang kapatid n'yang kambal. 19 years na kase akong namumuhay sa mundong ibabaw at hanggang ngayon, wala pa rin akong boyfriend. Ewan ko ba kung anong trip n'ya sa buhay. Ayaw ko sanang pumayag kaso she blackmailed me na isusumbong daw n'ya ako kina mommy and daddy because of what happened last week. May isang plastik na naman kase akong binigyan ng leksyon. Tsk

I heard the ringtone of my phone kaya nagmadali kong sinuot ang sketcher shoes ko to complete my outfit.

"Hello beshy," masayang bungad ko sa kan'ya pagkatapos kong sagutin ang tawag. Magpapa-cute muna ako baka kase bugahan ako ng apoy sa screen.

"P*TANGINA KA! KANINA PA AKO NAGHIHINTAY DITO SA BAHAY AT HANGGANG NGAYON WALA KA PA!" Agad kong inilayo ang phone ko sa tenga dahil mabibingi na ata ako sa lakas ng boses ng babaitang 'to.

"Sorry hehe. Nalate lang ako ng gising. Papunta na ako diyan don't worry. Bibilhan nalang kita ng fave snack mo. Muah muah chup chup. Bye." I ended the call and stormed out of my room.

Kahit alam kong masasapak na talaga ako ni Angela dahil sa sobrang late, hindi ko pa rin nagawang bilisan ang pag dri-drive dahil ayoko pang mamatay. Pero sa sunod-sunod na tawag n'ya ata ako malalagutan ng hininga. 

Time check: 1:05 PM

Mabuti nalang at nakabili pa ako ng paborito n'yang donut kaya kahit papaano ay may pambawi ako sa mabantot na 'yon. Kaso nakakainis lang dahil may umagaw ng pwesto ko sana sa parking lot kanina. Kaya mas lalo akong nagtagal eh.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila ay agad namang binuksan ng mga guards ang gate dahil kilala na nila ako.

"Good afternoon, Mang Conan," bati ko sa guard nilang ubod ng bait atsaka s'ya nginitian. Nag-blush naman agad ito kaya napatawa nalang ako nang mahina. Crush ako eh. Awit

Bitbit and dalawang kahon ng donuts at ang aking Gucci sling bag, lumabas ako ng kotse na animoy nasa isa akong commercial at ako ang endorser. 

Pagkarating ko sa bukana ng kanilang bahay ay nakabusangot at halos malapit ng bumuga ng apoy ang bumungad sa akin.

"Masyado ba akong maaga?" alanganin kong biro. Agad naman n'ya akong binatukan at sinamaan ng tingin.

How savage.

His HeatherWhere stories live. Discover now