Chapter 9

277 15 0
                                    


Nakaupo kami ngayon sa pinakaharap sa stage kasama si Angela at ibang mga kaibigan nila Aurcel. Pinipilit ko nga siya kanina na sa likod nalang kami umupo dahil sa hiya. Hindi naman kami dito nag-aaral tapos parang ang special ng treatment nila sa 'min. Pero kahit anong pilit ko, hindi pumayag si Aurcel dahil gusto niya raw na malapit ako sa kanya kapag nagsimula na silang magperform.

"ARE YOU READY FORDIAAAANS?!" malakas na sigaw ng emcee kaya naghiyawan ang lahat. 

"YEEEEESSSS!!!" Nakisabay na rin kami ni Angela sumigaw sa kumpol ng mga tao.

May mga nagtataas na rin ng kanilang mga banner at nagchi-cheer sa kani-kanilang banda.

Kung maaga ko lang sana nalaman 'to, edi sana gumawa rin ako para kay Aurcel kahit pa hindi ako marunong. Iba pa rin kase talaga 'pag nag-effort ka sa isang tao kahit gaano man ito kasimple.

"Lakasan mong magcheer mamaya kapag sina Aurcel na ah?" saad ni Angela sa tabi kaya nangingiti akong tumango.

Excited na ako!

"Good day to all of you! Thank you for joining us for today's Oxford Music Fest. I, Shinimichi Hitaki, is now officially opening the program."

Nagkaroon muna ng opening prayer at bumalik na naman ang napakahyper na emcee para i-announce ang unang banda.

"Let's welcome on stage our first performer, The Hoaks Deluxe!"

Malakas na sigawan na naman ang namayani nang lumabas ang bandang 'yon.

They are all wearing black shirt, pants, and shoes. Naka eye liner din sila. I must say that they look so damn cool. May isa pa sa kanilang kumindat sa 'kin.

I averted my gaze. Arrgghh 

Kahit gwapo ka pa, wala ka ng epekto sa 'kin dahil may gusto na akong iba.

"Ang gwapo nila siiissss!" malakas na sigaw ni Angela sa tenga ko kaya halos masapak ko na siya sa ginawa niyang 'yon. 

"Yawa ka! Kailangan ba talagang isigaw sa mismong tenga ko ha? Gusto mo ba akong mabingi?" Tinawanan niya lang ako kaya nakatikim siya ng batok sa 'kin.

Hindi ko na tuloy napagtuunan ng pansin ang nagpeperform sa harap.

"Ang lakas pa rin talaga ng karisma nila Vince," narinig kong sabi ng lalakeng nasa tabi ko. He's one of Aurcel's friends anyway. Hindi siya kasali sa banda nila dahil wala naman daw siyang talento sa pagkanta and he prefers to be the cheerleader for them.

How thoughtful.

"Tss. Mas lamang pa rin sina Somerc," sagot sa kanya nung isa pa nilang kaibigan.

Napailing nalang ako dahil nakikinig na naman ako sa usapan ng iba. 

Tinuon ko ang atensyon ko sa harap.

They are performing Fall For You by Secondhand Serenade.

"But hold your breath

 Because tonight will be the night 

That I will fall for you over again

Don't make me change my mind"

Everyone synchronized them and swayed their hands. 

They're good huh.

"Grabe. Bukod sa gwapo na, ang ganda pa ng boses," manghang sabi ng katabi ko.

I just shrugged my shoulders.

"Hindi naman masyado. Crush mo lang eh."

"Che! 'Di mo lang ma-appreciate kase iisa lang ang nakikita mong gwapo sa paningin mo," masungit niyang sagot sa 'kin kaya tinawanan ko nalang siya.

His HeatherWhere stories live. Discover now