Chapter 25

199 11 0
                                    


Kasalukuyan akong nasa McDo ngayon para hintayin sina Angela. Kagagaling ko lang kase sa isang cardiologist na ni-recomend ng friend ni mommy. Mabuti nalang at hindi naman gaanong seryoso 'yon dahil effect lang ng pagkakaroon ko ng heart murmur when I was in elementary and high school. The doctor advices me to not overwork my body dahil baka mas malala pa ang maging problema.

"Kaye!" Napalingon ako sa kung sino man ang tumawag sa 'kin at nakita ko si Marvin.

Since Christmas is coming, we'll be having a 2 weeks vacation and we decided our first day vacation to go to the beach. Sa susunod kasing mga araw ay baka family na namin ang makakasama kaya susulitin na namin ang araw na 'to. By the way, we're going to stay there for 3 days at mabuti nalang at pumayag din sina daddy. Nahirapan nga lang akong mapapayag si mommy.

"Tara na?" Tumango siya sa 'kin kaya tumayo na ako at kinuha ang backpack ko. Napataas ang kilay ko nang umupo pa siya at kinain ang tira kong burger. I just ate the half part of it dahil bawal pa rin ako sa junk foods. Agad ko naman siyang sinuway.

"Patay gutom ka talaga. Hindi ka ba nagbreakfast?"

"Eto naman, pagbigyan mo na ako. Kinuha kase ng bruha mong kaibigan 'yong baon ko kanina," maiyak-iyak niyang sabi. Binatukan ko nga. Napakaisip bata talaga at hula ko'y, nag-away na naman sila ni Angela.

How I wish I will survive the three days listening to their nonsense rants. Hinablot ko ang kamay niya at sapilitang tinayo tsaka hinila. Baka naghihintay na sila sa 'min at mapapatagal pa dahil sa damulag na 'to.

"Diretso na ba tayo sa resort nila Timothy?" tanong ko.

Timothy's family owns the most famous and successful resort here in Tarlac. Bilib nga ako no'ng malaman ko dahil hindi ko aakalaing gano'n siya kayaman. He looks so simple on the outside and a very humble guy. Kahit mapang-asar pa siya ay hindi naman siya mapagmalaki gaya ng iba.

"Nope. Dadaanan pa natin sina Aurcel at Somerc." Napaubo ako nang marinig ang pangalan niya. Napatawa naman siya sa naging reaksyon ko kaya pinang-ikutan ko siya ng mata.

Malayo-layo pa ang lalakarin namin dahil walang extra space kanina sa parking lot sa McDo kaya eto kami ngayon at nagtitiis sa ilalim ng nagbabagang init.

Oh nooo my skin huhu...

"Ba't hindi ba sila sumabay kay Angela?"

"Hindi. Ako kase ang sumundo sa kanya kanina tapos hindi pa gising 'yong dalawa." Tinignan ko siya nang makahulugan.

"Ikaw ha. May namamagitan na ba sa inyo ng bestfriend ko?"

"Mandiri ka nga. Wala 'no tsaka pinilit niya lang akong sunduin siya." I just shook my head at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

Alam ko namang meron ng nabubuong kung ano between them but I just shrugged my thoughts. I support Angela whoever she likes because I know, she will never choose someone who doesn't makes her happy. I just hope na hindi siya matulad sa 'kin. I treasure my best friend's feelings more than mine.

Nang marating namin ang kinaroroonan ng van na sasakyan namin ay rinig na rinig ko na agad ingay nila.

Tsk.

"Bessshhhyyyy!!!" Agad akong tumabi kay Angela sa likod at sobrang saya naman niya. Happy pill talaga ako neto. Minsan nga naiisip kong natotomboy siya sa 'kin but that's just so absurd.

"Ingay mo."

"Sungit mo."

Kinuha ko ang earpods ko sa bag at nilagay sa tenga ko. Alangan namang sa ilong ko di ba?

His HeatherWhere stories live. Discover now