Chapter 3

493 26 2
                                    

Bangag pa ako kinabukasan dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi. 

Kasalanan 'to ni Aurcel eh. Tsk

"Bilisan mo ng kumilos diyan, Kaye!" I rolled my eyes as I heard the speaker voice of my mom.

Hindi pa kasi ako tapos kuma-

"Ouch mom!" Geez. Binatukan ba naman ako.

"Kanina pa may naghihintay sa 'yo sa labas. Please move faster or else grounded ka na naman sa 'kin." Eh? I gazed at my dad to ask him for help. Daddy's girl ako kaya siguradong ipagtatanggol niya ako.

I smirked.

"Don't look at me like that, my princess. Alam mo namang mas masahol pa sa dragon kapag nagalit ang mommy mo." I pouted.

Kainis naman.

Pagkatapos kong inumin ang cucumber lemon juice ay tumayo na ako tsaka pumunta sa living room to get my bag.

"Move faster! Your boyfriend is waiting for you." Narinig ko pang pahabol ni daddy habang tumatawa and of course, pinagalitan na naman siya ng dragon.

Boyfriend? May jowa ba ako?

And suddenly,  it hit me!

Si Aurcel shet.

I run towards the gate, only to see the most handsome creature on Earth.

Nakasandal siya sa isang Black Aston Martin and he's wearing white shirt and a denim pants, partnered with sneakers and an aviator to complete his astonishing looks.

So hot.

Naimagine ko tuloy na nasa isang movie kami tapos siya ang driver and I'm the car who he drives until I became so crazy 'bout him.

Napailing nalang ako sa mga maduduming bagay na naiisip ko at lumapit sa kanya habang nahihiya.

"Sorry if I keep you waiting." Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso.

"It's okay. You look so-

"So pretty? Oh I know right. No need to mention it." Tutal pinaghintay ko naman siya nang matagal, susulitin ko na ang  pagiging makapal ng mukha ko.

"Yeah right. Let's go." Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat and He also put my seatbelt on.

How gentleman.

Tumingin ako sa likod at nagbabakasakaling makita si Angela pero iba ang bumungad sa akin.

"Oh? Tingin-tingin mo diyan?" I raised my brows on what he said.

Speaking of the devil Somerc, mukhang siya na naman ang sisira ng araw ko.

Ugh kairita.

"Gusto mo?" tanong niya sabay pakita ng kinakain niyang fries.

Bigla tuloy akong natakam kahit pa bawal akong kumain nu'n. Wheat bread lang kase ang kinain ko kanina tsaka oatmeal kaya parang hindi ako nabusog.

Hindi ko tuloy sinasadyang tumango sa kanya at nag puppy eyes.

Gross self.

"Luh asa ka!" 

Seriuosly? Konti nalang pagkakamalan ko ng bakla 'to. Napaka-attitude.

Habang nakatingin ako sa labas at dinadama ang fresh air ay hindi ko pa rin mapigilang mapasimangot dahil sa lakas ng boses ng asungot sa likod. Sinasabayan niya kase ang pagkanta sa mga tugtog sa stereo.

"Ha? How you like that shduiwdks." Halos hindi ko na nga mainintindihan mga pinagsasabi niya kaya kinausap ko nalang si Aurcel pogi.

"Psst, kapatid mo ba talaga 'yan?" Nagtataka pa niya akong binalingan ng tingin dahil nagdri-drive siya.

His HeatherWhere stories live. Discover now