Chapter 11

244 17 0
                                    


Late ako nagising ngayong araw dahil weekend naman. Natapos ko na rin ang mga kailangan kong tapusin at pagpasa na lamang ang p-problemahin ko.

I get up from my bed and do some stretching first dahil baka magkaroon na naman ako ng stiff neck gaya nung nakaraan. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa CR to do my routines.

Nakapajama at tank top pa ako nung pababa ako pero laking gulat ko nalang sa bumungad sa 'kin.

Punong-puno ang bahay ng iba't ibang klaseng bouquet of flowers.

Kanino naman galing 'to?

Nagmukha tuloy may lamay.

"Manang!" tawag ko sa isang kasambahay na nakaupo sa sala at nagkakape.

Bahay mo 'to ghurl?

Nagmadali naman siyang tumayo at inayos ang sarili nang makita ako.

"Good m-morning po, m-ma'am!" Pinigilan ko ang sariling magsungit dahil ayokong maging bad mood ang umaga ko ngayon.

"Kanino galing 'tong mga bulaklak?" I curiously asked as I roam my eyes around the living room. Nilapitan ko naman ang isang bulaklak at inamoy ito.

Halatang fresh at naalagaang mabuti dahil napakaganda ng kulay nito at infairness, mukhang mamahalin.

What would I expect? Baka Presidente pa ng Pilipinas ang nagpadala nito diba?

"Nakalimutan ko na po ang panagalan eh. Basta po gwapong binata." Kumunot ang noo ko.

"Sa katunayan nga po, kasama ata niya 'yong pamilya niya at nasa kusina po sila ngayon."

What the fvck?!

I honestly don't know what to do dahil may kutob na ako kung sino.

"If I should bring my family to your house to prove myself to you, I would."

Pumasok na naman sa isipan ko ang kanyang mga salita kahapon.

Babalik na sana ako sa taas para man lang maayos ko ang sarili ko ay hindi ko na nagawa dahil biglang dumating si Somerc.

Psh.

"Good morning, bantot," pang-aasar niya tsaka lumapit sa 'kin.

Malagkit na tingin ang pinukol niya sa 'kin habang pinagmamasdan ang suot ko. Agad ko namang kinuha ang maliit na unan sa sofa at tinakip ito sa katawan ko.

"Manyak ka!" Ibabato ko sana ang nahawakan kong bulaklak ngunit napatigil din ako agad dahil wala namang kasalanan ang bulaklak na ito. 

"Ako manyak? Tss asa ka!" 

Aba!

Lumapit ako sa kanya at akamang sasapakin ko na sana pero nahawakan niya ang dalawang kamay ko.

Sobrang lapit niya rin sa mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"B-bitawan mo a-ako." Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit ng asungot na 'to. Naaamoy ko na rin ang mabaho niyang hininga.

Char.

Amoy mint talaga. Sadyang inggit lang ako.

"Why are you stuttering? Hmm."

Pasalamat siya at mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya hindi ko siya magawang masapak. Kundi puro pasa na siya ngayon.

Narinig ko namang may paparating sa gawi namin kaya kinuha ko ang pagkakataon para masipa ang junjun niya.

"AHHHHH P*TANGINAAAA!!!"

Nakita kong si Angela ang paparating at nanlalaki pa ang kanyang mga mata sa gulat nang makita si Somerc.

His HeatherDove le storie prendono vita. Scoprilo ora